+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أنَّ النبيَّ صلى الله عليه وسلم كان إذا رفع رأسه من الركعة الآخِرة، يقول: «اللهمَّ أَنْجِ عَيَّاش بن أبي ربيعة، اللهمَّ أَنْجِ سَلَمَة بنَ هشام، اللهم أَنْجِ الوليد بن الوليد، اللهم أَنْجِ المستضعفين من المؤمنين، اللهمَّ اشْدُدْ وَطْأَتَك على مُضَر، اللهمَّ اجعلها سنين كسِنِي يوسف». وأنَّ النبيَّ صلى الله عليه وسلم قال: «غِفَارُ غفر الله لها، وأَسْلَمُ سالمها الله» قال ابن أبي الزناد عن أبيه: هذا كلُّه في الصبح.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nag-angat noon ng ulo niya mula sa huling rak`ah, ay nagsasabi: "O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya. O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose." Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "[Ang liping] Ghifār, nagpatawad si Allah sa kanila. [Ang liping] Aslam, nakipagpayapaan si Allah sa kanila." Nagsabi ang anak ni Abu Az-Zinād ayon sa ama niya: Ito, lahat ng ito, ay sa [dasal sa] madaling-araw.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nag-angat noon ng ulo niya mula sa huling rak`ah ng ṣalāh, ay nagsasabi: "O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya." Ang mga ito ay mga kasamahang dumalangin para sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng pagliligtas at pagsagip laban sa parusa. Sila noon ay mga bihag sa mga kamay ng mga Kāfir sa Makkah. Si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah ay kapatid ni Abū Jahl sa isang alipin. Ikinulong siya ni Abū Jahl sa Makkah. Si Salamah bin Hishām ay kapatid ni Abū Jahl, at isang matagal na sa Islām. Pinagdusa siya alang-alang kay Allah at pinigilan siyang lumikas. Si Al-Walīd bin Al-Walīd ay kapatid ni Khālid bin Al-Walīd. Ikinulong siya sa Makkah. Pagkatapos ay nakatakas siya mula sa kanila. Pagkatapos ay nagsasabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose." Nangangahulugan ito: "O Allah, tindihan Mo ang pagpaparusa Mo at ang kaparusahan Mo sa mga Kāfir ng Quraysh, na kabilang sa liping Muḍarr. Ilagay Mo ang pagpaparusa Mo sa kanila sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila ng malaking tagtuyot na pitong taon o higit gaya ng tagtuyot na nangyari sa mga araw ni Propeta Jose, sumakanya ang pangangalaga. Karagdagan pa, ang tapak - ang pag-apak ng paa - ay maaaring isa sa mga katangian ni Allah alinsunod sa ḥadīth na ito subalit tayo ay hindi nakatagpo ng isa sa Matuwid na Ninuno o maaalam ng mga Muslim na nagturing dito na kabilang sa mga katangian ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, kaya maipakakahulugan ang "tapak" bilang kabagsikan at pagpaparusa. Ang pag-uugnay nito kay Allah, pagkataas-taas Niya, ay dahil sa ito ay gawa Niya at pagtatakda Niya. Si Allah ay higit na nakaaalam. Pagkatapos ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "[Ang liping] Ghifār, nagpatawad si Allah sa kanila..." ay maipakakahulugang isang panalangin para sa kanila ng pagpapatawad o bilang isang pagpapabatid na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpatawad na sa kanila. Gayon din ang sabi niya: "[Ang liping] Aslam, nakipagpayapaan si Allah sa kanila..." ay maipakakahulugang isang panalangin para sa kanila na makipagpayapaan sa kanila si Allah, pagkataas-taas Niya, at hindi Siya nag-uutos ng digmaan laban sa kanila, o ito ay nagiging isang pagpapabatid na si Allah ay nakipagpayapaan nga sa kanila at nagbawal sa digmaan laban sa kanila. Itinangi lamang ang dalawang liping ito sa panalangin dahil ang liping Ghifār ay yumakap sa Islām dati na at ang liping Aslam naman ay nakipagpayapaan sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. "Nagsabi ang anak ni Abu Az-Zinād ayon sa ama niya: Ito, lahat ng ito, ay sa [dasal sa] madaling-araw." Nangangahulugan ito: "Na siya ay nagsanaysay buhat sa ama niya ng ḥadīth na ito sa pamamagitan ng Kawing ng Pagkasanaysay (Isnād) na ito at nilinaw na ang nabanggit na panalangin ay nangyari sa dasal sa madaling-araw."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa
Paglalahad ng mga salin