عن المغيرة بن شعبة رضي الله عنه مرفوعاً: قال سعدُ بنُ عُبَادة رضي الله عنه : لو رأيتُ رجلًا مع امرأتي لَضربتُه بالسيف غير مُصْفِح عنه، فبلغ ذلك رسول الله صلى الله عليه وسلم، فقال: «أتعجبون من غَيْرة سعد، فوالله لأنا أغير منه، واللهُ أغير مني، من أجل غَيْرة الله حَرَّم الفواحش، ما ظهر منها، وما بطن، ولا شخص أغير من الله، ولا شخص أحبّ إليه العُذر من الله، من أجل ذلك بعث الله المرسلين، مُبشِّرين ومنذِرين، ولا شخص أحبّ إليه المِدحةَ من الله، من أجل ذلك وعد الله الجنة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya: Nagsabi si Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya: "Kung sakaling nakakita ako ng isang lalaki kasama ng maybahay ko, talagang tinaga ko na sana iyon ng tabak, hindi ng gilid buhat dito." Nakaabot iyon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: "Napahahanga ba kayo mula sa paninibugho ni Sa`d? Sumpa man kay Allāh, talagang ako ay higit na mapanibughuin kaysa sa kanya at si Allāh ay higit na mapanibughuin kaysa sa akin. Alang-alang sa paninibugho ni Allāh, ipinagbawal Niya ang mga mahalay: anumang nakalitaw mula sa mga ito at anumang nakatago. Walang personang higit na mapanibughuin kaysa kay Allāh. Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang [pagtanggap ng] pagdadahilan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinadala ni Allāh ang mga isinugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang papurihan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinangako ni Allāh ang Paraiso."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagsabi si Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya: "Kung sakaling nakakita ako ng isang lalaki kasama ng maybahay ko, talagang tinaga ko na sana iyon ng talim ng tabak, hindi ng gilid nito." Nangangahulugan ito: Talagang pinatay ko na sana iyon nang walang pagtigil sa taga. Kinilala nga siya ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil doon ngunit ipinabatid niya na siya ay higit na mapanibughuin kaysa kay Sa`d, at na si Allāh ay higit na mapanibughuin kaysa sa kanya. Ang paninibugho ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay bahagi ng uri ng mga katangian Niyang natatangi Siya dahil sa mga ito. Ito ay hindi nakatutulad ng sa paninibugho ng nilikha, bagkus ito ay isang katangiang nababagay sa kadakilaan Niya, tulad ng pagkagalit, pagkalugod, at gaya niyon na kabilang sa mga natatangi sa Kanya na hindi nakikilahok sa Kanya ang nilikha sa mga ito. Ang literal na kahulugan ng persona (shakhṣ) sa wikang Arabe ay ang anumang pumaitaas, umangat, at lumitaw. Si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay higit na litaw sa bawat bagay, higit na dakila, at higit na malaki. Walang pagbabawal sa paggamit nito kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ayon sa prinsipyo ng mga alagad ng Sunnah na umaalinsunod sa sinabi ni Allāh at ng Sugo Niya. Pagkatapos ay nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Alang-alang sa paninibugho ni Allāh, ipinagbawal Niya ang mga mahalay: anumang nakalitaw mula sa mga ito at anumang nakakubli." Nangangahulugan ito: Bahagi ng epekto ng paninibugho ni Allāh na Siya ay nagbawal sa mga lingkod Niya sa paglapit sa mga mahahalay: anumang mabigat at mahalay sa mga kaluluwang dalisay at mga matinong isip tulad ng pangangalunya. Ang nakalitaw ay sumasaklaw sa anumang ginawa nang hayagan at sinaling ng mga bahagi ng katawan kahit pa man palihim. Ang nakakubli ay sumasaklaw sa anumang nasa [kalagayang] lihim at anumang kinikimkim ng mga puso. Sinabi niya: "Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang [pagtanggap ng] pagdadahilan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinadala ni Allāh ang mga isinugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala." Ang kahulugan ay ipinadala Niya ang mga isinugo para magpaumanhin at magbabala sa nilikha Niya bago sila patawan ng kaparusahan. Ito ay ang sabi Niya (Qur'ān 4:165): "[Nagsugo ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi na magkaroon ang mga tao ng isang katwiran kay Allāh matapos ang mga sugo." Sinabi niya: "Walang personang higit na kaibig-ibig sa kanya ang papurihan kaysa kay Allāh. Alang-alang doon, ipinangako ni Allāh ang Paraiso." Gayon dahil sa ganap na kalubusan Niya sapagkat Siya, pagkataas-taas Niya, ay umiibig sa mga lingkod Niya na ipagbunyi Siya at papurihan sa kabutihang-loob Niya at kagalantehan Niya. Alang-alang doon, nagdulot Siya sa kanila ng bawat pagpapalang tinatamasa nila. Nalulugod Siya sa kanila kapag pinuri nila Siya dahil doon. Gaano man sila magbunyi sa Kanya at magpapuri sa Kanya, hindi maaaring maabot nila ang karapat-dapat sa Kanya na papuri at pagbubunyi. Dahil dito, pinapurihan Niya ang sarili Niya at ipinangako ang Paraiso upang dumalas ang paghingi sa Kanya, ang pagbubunyi, at ang papuri sa Kanya mula sa mga lingkod Niya, at upang magsikap sila roon sa abot ng makakaya nila dahil ang Paraiso ay ang kalubus-lubusan ng pagpapala.