عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه:
أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ دَخَلَ المَسْجِدَ فَدَخَلَ رَجُلٌ، فَصَلَّى، فَسَلَّمَ عَلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَرَدَّ وَقَالَ: «ارْجِعْ فَصَلِّ، فَإِنَّكَ لَمْ تُصَلِّ»، فَرَجَعَ يُصَلِّي كَمَا صَلَّى، ثُمَّ جَاءَ، فَسَلَّمَ عَلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: «ارْجِعْ فَصَلِّ، فَإِنَّكَ لَمْ تُصَلِّ» ثَلاَثًا، فَقَالَ: وَالَّذِي بَعَثَكَ بِالحَقِّ مَا أُحْسِنُ غَيْرَهُ، فَعَلِّمْنِي، فَقَالَ: «إِذَا قُمْتَ إِلَى الصَّلاَةِ فَكَبِّرْ، ثُمَّ اقْرَأْ مَا تَيَسَّرَ مَعَكَ مِنَ القُرْآنِ، ثُمَّ ارْكَعْ حَتَّى تَطْمَئِنَّ رَاكِعًا، ثُمَّ ارْفَعْ حَتَّى تَعْدِلَ قَائِمًا، ثُمَّ اسْجُدْ حَتَّى تَطْمَئِنَّ سَاجِدًا، ثُمَّ ارْفَعْ حَتَّى تَطْمَئِنَّ جَالِسًا، وَافْعَلْ ذَلِكَ فِي صَلاَتِكَ كُلِّهَا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 757]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa masjid saka may pumasok na isang lalaki saka nagdasal ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya tumugon siya at nagsabi siya: "Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Kaya bumalik ito na nagdarasal kung paanong nagdasal ito. Pagkatapos dumating ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Bumalik ka saka magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal" nang makatatlo saka nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako nakagagawa ng maganda na iba pa rito kaya magturo ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Kapag tumayo ka patungo sa pagdarasal, magdakila ka [kay Allāh], pagkatapos bumigkas ka ng anumang naisaposible sa iyo mula sa Qur'ān, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka habang nakayukod, pagkatapos umangat ka hanggang sa tumuwid ka habang nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka habang nakapatirapa, pagkatapos umangat ka hanggang sa mapanatag ka habang nakaupo, at gumawa ka niyan sa pagdarasal mo sa kabuuan nito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 757]
Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid saka may pumasok matapos niya na isang lalaki saka nagdasal ito ng dalawang rak`ah habang nagmamabilis samantalang hindi ito napapanatag sa pagtayo nito, pagyukod nito, at pagpapatirapa nito. Ang Propeta naman (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsusubaybay rito sa pagdarasal nito. Dumating ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakaupo sa isang dako ng masjid saka bumati ito sa kanya kaya tumugon naman siya rito sa pagbati at nagsabi siya rito: "Bumalik ka saka umulit ka ng pagdarasal mo sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal." Kaya bumalik ito na nagdarasal habang nagmamabilis kung paanong nagdasal ito. Pagkatapos dumating ito saka bumati ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya rito: "Bumalik ka saka umulit ka ng pagdarasal mo sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagdasal" nang makatatlo. Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako nakagagawa ng maganda na iba pa rito kaya magturo ka sa akin." Kaya nagsabi siya rito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag tumayo ka patungo sa pagdarasal, magsagawa ka ng panimulang takbīr, pagkatapos bumigkas ka ng Ina ng Qur'ān at ng anumang niloob ni Allāh na bigkasin mo, pagkatapos yumukod ka hanggang sa mapanatag ka habang nakayukod sa pamamagitan ng paglagay mo ng mga palad mo sa mga tuhod mo, mag-unat ka ng likod mo, magpakatatag ka sa pagkakayukod mo, pagkatapos umangat ka, magtuwid ka ng gulugod mo hanggang sa bumalik ang mga buto sa mga kasukasuan ng mga ito, at tumuwid ka habang nakatayo, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka habang nakapatirapa sa pamamagitan ng pagkalapag mo ng noo kasama ng ilong, mga kamay, mga tuhod, at mga dulo ng mga daliri ng mga paa sa lapag, pagkatapos umangat ka hanggang sa mapanatag ka habang nakaupo sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa, pagkatapos gumawa ka niyan sa bawat rak`ah ng pagdarasal mo."