عن أبي قتادة الأنصاري رضي الله عنه ، قال: «رأيتُ النبيَّ صلى الله عليه وسلم يَؤُمُّ الناس وأُمَامَة بِنْت أَبِي العَاصِ وهي ابنةُ زينب بنتِ النبي صلى الله عليه وسلم على عاتِقِه، فإذا ركَع وضَعها، وإذا رفَع مِن السُّجُود أعَادَها».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Qatādah Al-Ansārie-malugod si Allah sa kanya-at nagsabi:((Nakita ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangangalagaan na nangunguna sa pagdarasal para sa mga tao at si Umāmah bint Abe Al-'Ās at siya ang anak ni Zainab na Anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa balikat niya, kapag siya ay yumuko,ibinababa niya ito,at kapag tumayo siya mula sa pagpatirapa,ibinabalik niya ito.))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapahayag ng Marangal na Hadith Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal para sa mga tao habang siya ay nagbubuhat kay Umāmah bint Al 'Ās na anak ng anak niyang si Zainab-malugod si Allah sa kanya-hanggang sa kapag siya ay sa posisyon na nakayuko at nakapatirapa,ibinababa niya ito,at kapag tumayo siya ay binubuhat niya ito,at (inuulit) niyang ang ganoon.At nagpapatunay ito na hindi nakakapinsala ang pagbubuhat ng bata sa oras ng pagdarasal