+ -

عن أَبِي حَازِمِ بْن دِينَارٍ:
أَنَّ رِجَالًا أَتَوْا سَهْلَ بْنَ سَعْدٍ السَّاعِدِيَّ، وَقَدِ امْتَرَوْا فِي الْمِنْبَرِ مِمَّ عُودُهُ، فَسَأَلُوهُ عَنْ ذَلِكَ، فَقَالَ: وَاللهِ إِنِّي لَأَعْرِفُ مِمَّا هُوَ، وَلَقَدْ رَأَيْتُهُ أَوَّلَ يَوْمٍ وُضِعَ، وَأَوَّلَ يَوْمٍ جَلَسَ عَلَيْهِ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، أَرْسَلَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِلَى فُلَانَةَ -امْرَأَةٍ من الأنصار قَدْ سَمَّاهَا سَهْلٌ-: «مُرِي غُلَامَكِ النَّجَّارَ أَنْ يَعْمَلَ لِي أَعْوَادًا أَجْلِسُ عَلَيْهِنَّ إِذَا كَلَّمْتُ النَّاسَ»، فَأَمَرَتْهُ فَعَمِلَهَا مِنْ طَرْفَاءِ الْغَابَةِ، ثُمَّ جَاءَ بِهَا، فَأَرْسَلَتْ إِلَى رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَأَمَرَ بِهَا فَوُضِعَتْ هَاهُنَا، ثُمَّ رَأَيْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ صَلَّى عَلَيْهَا وَكَبَّرَ وَهُوَ عَلَيْهَا، ثُمَّ رَكَعَ وَهُوَ عَلَيْهَا، ثُمَّ نَزَلَ الْقَهْقَرَى، فَسَجَدَ فِي أَصْلِ الْمِنْبَرِ ثُمَّ عَادَ، فَلَمَّا فَرَغَ أَقْبَلَ عَلَى النَّاسِ فَقَالَ: «أَيُّهَا النَّاسُ، إِنَّمَا صَنَعْتُ هَذَا لِتَأْتَمُّوا وَلِتَعَلَّمُوا صَلَاتِي».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 917]
المزيــد ...

Ayon kay Ḥāzim bin Dīnār:
{May mga lalaking pumunta kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy. Nag-alangan nga sila hinggil sa pulpito kung mula sa ano ang tabla nito. Kaya nagtanong sila sa kanya tungkol doon saka nagsabi naman siya: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nakaaalam kung mula sa ano ito. Talaga ngang nakita ko ito noong unang araw na inilagay ito at noong unang araw na umupo rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpasugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Polana," na isang babae kabilang sa mga Tagaadya na pinangalanan ni Sahl, "[na nagsasabi]: 'Mag-utos ka sa alila mong karpintero na gumawa siya para sa akin ng mga tabla na uupo ako sa mga ito kapag nagsalita ako sa mga tao.' Kaya nag-utos ito roon kaya gumawa iyon ng mga ito mula sa kahoy na Tamarisko ng Al-Ghābah. Pagkatapos naghatid iyon ng mga ito saka ipinadala sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos siya na ilagay ang mga ito saka inilagay naman ang mga ito dito. Pagkatapos nakakita ako ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagdasal sa ibabaw ng mga ito at nagsagawa ng takbīr habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos yumukod siya habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos bumaba siya nang paurong saka nagpatirapa sa paanan ng pulpito. Pagkatapos bumalik siya; saka noong nakatapos siya, bumaling siya sa mga tao saka nagsabi: 'O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko.'"}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 917]

Ang pagpapaliwanag

May dumating na mga lalaki sa isa sa mga Kasamahan, na nagtatanong sa kanya tungkol sa pulpitong pampropeta na ginamit ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung mula sa ano niyari ito. Nagtalu-talo nga sila at nag-alitan nga sila hinggil doon. Kaya binanggit niya sa kanila na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpasabi sa isang babae kabilang sa mga Tagaadya, na may isang utusang karpintero, saka nagsabi rito: "Mag-utos ka sa alila mo na yumari siya para sa akin ng isang pulpito na uupuan ko kapag nagsasalita ako sa mga tao." Tumugon naman ang babae at nag-utos sa alila nito na gumawa iyon para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pulpitong yari sa mga puno ng Tamarisko. Noong nakatapos iyon, ipinadala ito ng babae sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos naman siya na ilagay ito kaya inilagay ito sa lugar nito sa masjid. Pagkatapos nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ibabaw ng mimbar at nagsagawa siya ng takbīr habang siya ay nasa ibabaw nito. Pagkatapos yumukod siya habang siya ay nasa ibabaw nito. Pagkatapos bumaba siya nang naglalakad papunta sa likuran nang hindi naglilingon ng mukha niya sa dako ng likuran, saka nagpatirapa siya sa paanan ng pulpito. Pagkatapos bumalik siya; saka noong nakatapos siya sa pagdarasal, bumaling siya sa mga tao at nagsabi: "O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng paggamit ng pulpito at ang pag-akyat ng khaṭīb dito. Ang katuturan nito ay ang pagpapaabot at ang pagpaparinig.
  2. Ang pagpayag sa pagsasagawa ng ṣalāh sa pulpito para sa pagtuturo at ang pagpayag sa pag-angat ng imām sa ma'mūm dahil sa isang pangangailangan.
  3. Ang pagpayag sa pagpapatulong sa mga may kakayahan sa pagyari kaugnay sa mga pangangailangan ng mga Muslim.
  4. Ang pagpayag sa kaunting pagkilos sa pagsasagawa ng ṣalāh dahil sa pangangailangan.
  5. Ang pagpayag sa pagtingin ng ma'mūm sa imām niya sa ṣalāh upang matuto mula sa kanya at iyon ay hindi sumasalungat sa kataimtiman.
Ang karagdagan