+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم أنه قالَ: "مِن خَيرِ مَعَاشِ النّاسِ لهم رَجُلٌ مُمْسِكٌ عِنَانَ فَرسِهِ في سبيلِ اللهِ، يَطيرُ على مَتنِهِ كُلَّما سَمِعَ هَيْعَةً أو فَزعَةً، طَارَ عَليه يَبْتَغِي القَتْلَ، أو المَوتَ مَظانَّه، أو رَجلٌ في غُنَيمَةٍ في رأسِ شَعفَةٍ من هذه الشَّعَفِ، أو بطنِ وادٍ من هذه الأوديةِ، يُقيمُ الصلاةَ، ويُؤتِي الزكاةَ، ويَعبدُ ربَّهُ حتى يَأتِيَه اليقينُ، ليسَ من النَّاسِ إلا في خيرٍ".
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kabilang sa pinakamabuti sa pamumuhay ng mga tao ukol sa kanila ay isang lalaking humahawak sa renda ng kabayo niya alang-alang sa landas ni Allah, na kumakaripas sakay sa likod nito, na sa tuwing nakarinig ng isang ingay [ng digmaan] at isang kalansing [ng digmaan], kumakaripas siya roon, na naghahangad ng pagpatay o pagkamatay sa mga lugar na maaasahan iyon; o isang lalaking nasa mga tupa sa tuktok ng isang burol kabilang sa mga burol na ito, o sa loob ng isang lambak kabilang sa mga lambak na ito, na nagpapanatili ng dasal, nagbibigay ng zakāh, at sumasamba sa Panginoon niya hanggang sa datnan siya ng kamatayan; wala siyang kaugnayan sa mga tao maliban sa mabuti."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa ḥadīth ang paglilinaw na kabilang sa pinakamabuti sa mga kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay isang lalaking humahawak sa renda ng kabayo niya. Ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "kumakaripas sakay sa likod nito, na sa tuwing nakarinig ng isang ingay [ng digmaan] at isang kalansing [ng digmaan], kumakaripas siya roon, na naghahangad ng pagpatay o pagkamatay sa mga lugar na maaasahan iyon." Ang kahulugan nito ay nagdadali-dali siya sakay sa likod ng kabayo sa tuwing nakarinig ng isang ingay ng digmaan, ang tunog sa pagdating ng kaaway. Ang kalansing ng digmaan ay ang pagbangon papunta sa kaaway. Ang paghahangad ng pagkamatay sa mga lugar na maaasahan iyon ay ang paghahanap niya rito sa mga pook nito na maaasahan ito sa mga iyon, dahil sa tindi ng paghahangad niya sa pagkamartir. May nasaad din ditong patunay na ang pagbubukod ay higit na mabuti. Ang sinumang nasa isang lugar, kabilang sa mga lambak at mga daan sa pagitan ng bundok, habang nakabukod malayo sa mga tayo, na sumasamba kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na walang kaugnayan sa mga tao maliban sa mabuti, ito sa kanya ay mabuti.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin