+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ تَعَلَّمَ عِلْمًا مِمَّا يُبْتَغَى بِهِ وَجْهُ اللَّهِ عَزَّ وَجَلَّ لَا يَتَعَلَّمُهُ إِلَّا لِيُصِيبَ بِهِ عَرَضًا مِنَ الدُّنْيَا لَمْ يَجِدْ عَرْفَ الْجَنَّةِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ» يَعْنِي رِيحَهَا.

[صحيح] - [رواه أبو داود وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 3664]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) — na hindi pala nagpapakatuto nito kundi upang magkamit siya sa pamamagitan nito ng isang mahihita mula sa Mundo — hindi makaamoy ng samyo ng Paraiso sa Araw ng pagbangon." Tumutukoy siya sa halimuyak nito.}

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 3664]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ang sinumang nagpakatuto ng kaalamang pangkapahayagan na ang orihinal na pakay rito ay ang pagkalugod ni Allāh (napakataas Siya), na hindi nagpapakatuto nito upang magkamit at magtamo sa pamamagitan nito na isang parte at isang natatamasa mula sa Mundo na yaman o reputasyon, hindi siya makatatagpo ng amoy ng Paraiso sa Araw ng Pagkabangon.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakinakailangan ng pagpapakawagas sa paghahanap ng kaalaman at ang paghimok doon.
  2. Ang matinding pagbibigay-babala laban sa paggawa sa kaalamang pangkapahayagan bilang isang pagpapakitang-tao at isang kasangkapan para sa kamunduhan at na iyon ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
  3. Na ang sinumang naghanap ng kaalaman alang-alang kay Allāh (napakataas Siya) at dumating sa kanya ang [kapakinabangan sa] Mundo bilang kasunod niyon, pinpayagan sa kanya ang pagkuha niyon at hindi nakapipinsala sa kanya iyon.
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya na: "samyo ng Paraiso", ang halimuyak, ay isang pagpapalabis sa pagkakait ng Paraiso dahil ang sinumang hindi makatatagpo ng amoy ng isang bagay ay hindi makapagtatamo nito.
  5. Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allāh alang-alang sa empleyo o alang-alang sa mga iba pang pakay, tunay na kailangan sa kanya ang pagbabalik-loob kay Allāh mula roon. Si Allāh ay bubura sa kanya ng natamo mula sa tiwaling layunin. Si Allāh ay may kabutihang-loob na dakila (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
  6. Ang pagbibigay-babalang ito ay para sa tagahanap ng kaalamang pangkapahayagan. Hinggil naman sa sinumang naghanap ng kaalaman kabilang sa mga kaalaman ng Mundo alang-alang sa natatamasa sa Mundo gaya ng inhinyeriya, kimika, at iba pa sa mga ito alang-alang sa pakinabang sa Mundo, ukol sa kanya ang layunin niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin