+ -

عن المغيرة بن شعبة رضي الله عنه : أن النبي صلى الله عليه وسلم توضأ، فمسح بِنَاصِيَتِهِ، وعلى العِمَامة والخُفَّين.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Al-Mughirah bin Shu`bah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsagawa ng wudhu,pinunasan niya ang noo niya,sa turban at ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat] niya
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapaalam ni Al-Mughīrah bin Shu'bah-malugod si Allāh sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay pinunasan niya ang noo niya-at ito ang buhok na nasa harapan ng ulo,pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa turban, at hindi siya naging pabaya sa pagpupunas ng ilang bahagi ng ulo datapuwat ay ginanap niya ang pagpupunas sa turban, At kabilang sa patnubay niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay ang pagpupunas sa dalawang Al-Khuff [ medyas na yari sa balat], tulad ng nasa Hadith na ito at sa iba pa.Subul -Assalām (81,1/72) Tashīl Al-ilmām(1/135)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan