عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَمْرٍو رَضيَ اللهُ عنهما قَالَ:
رَجَعْنَا مَعَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مِنْ مَكَّةَ إِلَى الْمَدِينَةِ حَتَّى إِذَا كُنَّا بِمَاءٍ بِالطَّرِيقِ تَعَجَّلَ قَوْمٌ عِنْدَ الْعَصْرِ، فَتَوَضَّؤُوا وَهُمْ عِجَالٌ، فَانْتَهَيْنَا إِلَيْهِمْ وَأَعْقَابُهُمْ تَلُوحُ لَمْ يَمَسَّهَا الْمَاءُ فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «وَيْلٌ لِلْأَعْقَابِ مِنَ النَّارِ أَسْبِغُوا الْوُضُوءَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 241]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Bumalik kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah mula sa Makkah. Hanggang sa nang kami ay nasa isang tubigan sa daan, nagmadali ang mga tao sa sandali ng [ṣalāh sa] hapon. Nagsagawa sila ng wuḍū' habang sila ay nagmamadali, saka nakarating kami sa kanila samantalang ang mga sakong nila ay nangingintab na hindi nasaling ng tubig. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapighatian sa mga sakong mula sa Impiyerno. Lubus-lubusin ninyo ang pagsasagawa ng wuḍū'."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 241]
Naglakbay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Makkah papuntang Madīnah kasama ng mga Kasamahan niya. Sa daan nila ay nakatagpo sila ng tubig kaya nagmabilis sa pagsasagawa ng wuḍū' para sa ṣalāh sa hapon ang ilan sa mga Kasamahan hanggang sa ang hulihan ng mga paa nila ay lumilitaw sa nakatingin ang katuyuan ng mga ito sa tubig. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pagdurusa at kapahamakan sa Impiyerno sa mga nagkukulang sa paghugas ng hulihan ng paa kapag nagsasagawa ng wuḍū'." Nag-utos siya sa kanila na magpalabis sa pagkumpleto ng wuḍū'.