Ang kategorya:
+ -

عَنْ أَبِي ثَعْلَبَةَ الخُشَنِيِّ جُرْثُومِ بن نَاشِرٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَال:
«إِنَّ اللَّهَ فَرَضَ فَرَائِضَ فَلَا تُضَيِّعُوهَا، وَحَدَّ حُدُودًا فَلَا تَعْتَدُوهَا، وَحَرَّمَ أَشْيَاءَ فَلَا تَنْتَهِكُوهَا، وَسَكَتَ عَنْ أَشْيَاءَ رَحْمَةً لَكُمْ غَيْرَ نِسْيَانٍ فَلَا تَبْحَثُوا عَنْهَا».

[قال النووي: حديث حسن] - [رواه الدارقطني في سننه، وغيره] - [الأربعون النووية: 30]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Tha`labah Al-Khushanīy Jurthūm bin Nāshir (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya huwag kayong magpabaya sa mga ito, naghangganan ng mga hangganan kaya huwag kayong lumampas sa mga ito, nagbawal ng ilang bagay kaya huwag kayong lumabag sa mga ito, at nanahimik sa ilang bagay dala ng pagkaawa sa inyo hindi dala ng pagkalimot kaya huwag kayong maghanap ng mga ito."}

-

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nag-obliga ng mga bagay at nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya sumunod kayo sa mga ito at huwag kayong magpabaya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iwan o pagwawalang-bahala sa mga ito. Gumawa Siya para sa inyo ng mga pansagabal at mga pansawata na itinakdang sasagabal sa inyo at sasawata sa inyo laban sa anumang hindi Niya kinalulugdan kaya huwag kayong magdagdag sa mga ito ng higit sa anumang ipinag-utos ng batas. Nagbawal Siya ng mga ipinagbabawal kaya huwag kayong gumamit ng mga ito at huwag kayong lumapit sa mga ito. Ang anumang bukod pa roon ay umiwan Siya ng mga iyon at nanahimik Siya tungkol sa mga iyon bilang awa sa mga lingkod Niya kaya nanatili ang mga ito sa orihinalidad ng pagkapayag sa mga ito kaya huwag kayong maghanap ng mga ito.

من فوائد الحديث

  1. Ang ḥadīth ay isang patunay na si Allāh ay ang Tagapagbatas sapagkat ang kautusan ay nasa kamay Niya (kaluwalhatian sa Kanya).
  2. Naglaman ang ḥadīth ng mga panuntunan ng batas sa patakaran at sa pagpayag yayamang ang patakarang pambatas ay maaaring pinanahimikan o sinalita. Ito ay maaaring ipinag-uutos bilang pagkakinakailangan o bilang pagkaiminumungkahi o sinasaway bilang pagbabawal o bilang pagkasuklam o bilang pinapayagan.
  3. Na ang anumang nanahimik si Allāh tungkol dito kaya hindi Siya nagsatungkulin nito, hindi Siya naglimita nito, at hindi Siya sumaway laban dito, ito ay pinahihintulutan (ḥalāl).
  4. Ang kagandahan ng paglilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang inilahad niya ang ḥadīth sa pamamagitan ng ganitong maliwanag na malinaw na pagbabahagi.
  5. Ang pagkakinakailangan ng pangangalaga sa mga tungkulin kay Allāh (napakataas Siya).
  6. Ang pagbabawal sa paglabas sa mga hangganan ni Allāh (napakataas Siya).
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan