عن عروة، عن عائشة رضي الله عنها مرفوعاً: «أن النبي صلى الله عليه وسلم قَبَّلَ بعض نسائه، ثم خرج إلى الصلاة ولم يتوضَّأ»، قال: قلت: من هي إلا أنت؟ فَضَحِكت.
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد وأبو داود والنسائي في الكبرى وابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay `Urwah, ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa masjid at hindi na nagsagawa ng wuḍū'. Nagsabi si `Urwah: "Nagsabi ako: Sino siya kundi ikaw?" Kaya tumawa ito.
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinababatid ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa ḥadīth na ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay pumunta siya sa masjid para magdasal at hindi na nagsagawa ng wuḍū'. Pagkatapos tunay na si `Urwah, malugod si Allāh sa kanya, ay ang tagasanaysay buhat kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya. Natalos niya ang bagay na ito at nalaman niya na ang maybahay na tinutukoy rito sa ḥadīth ay si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya. Kayo noong ipinabatid ni `Urwah kay `Ā’ishah iyon, tumawa ito, malugod si Allāh sa kanya, bilang pagkilala sa panig nito sa pagkaunawa niya. "hindi na nagsagawa ng wuḍū'". Ito ay ang pangunahing panuntunan: na ang paghipo ng lalaki sa maybahay niya o paghalik dito ay lubusang hindi nakasisira sa wuḍū', may pagnanasa man o walang pagnanasa, dahil ang pangunahing panuntunan ay ang pananatili ng wuḍū' at ang pananatili ng ṭahārah. Kaya hindi ipinahihintulot ang magsabing ito ay nakasisira sa anuman malibang may umiiral na argumentong walang sumasalungat. Lubusang wala ritong umiiral na argumentong nagpapatunay sa pagkasira ng wuḍū' dahil sa paghipo sa maybahay. Ang pangunahing panuntunan ay ang pananatili ng ṭahārah. Tungkol naman sa sabi ni Allāh (Qur'ān 4:43): "o sumaling kayo ng mga babae", ang tama sa pagpapaliwanag nito ay na ang tinutukoy rito ay ang pakikipagtalik at gayon din sa ibang pagkakabasa. Ayon kay Ibnu `Abbās at sa isang pangkat ng mga may kaalaman, ang tinutukoy rito ay ang pakikipagtalik. Ito ay dahil sa ang madalas sa paghalik ng lalaki sa maybahay niya ay dala ng pagnanasang seksuwal kaya nagpatunay iyon na ang paghipo sa asawa nang may pagnanasa ay hindi nakasisira sa wuḍū' malibang kapag nasamahan iyon ng paglabas ng punlay at dito ay nasisira ang wuḍū' dahil sa paglabas ng punlay. Majmū` Fatāwā Ash-Shaykh Ibnu Bāz 17/219 at Fatḥ Dhī Al-Jalāl wa Al-Ikrām 1/253-255.