+ -

عن طلق بن علي رضي الله عنه قال: قَدِمْنَا على نَبِيِّ الله صلى الله عليه وسلم فجاء رَجُل كأنه بَدَوي، فقال: يا نَبِيَّ الله، ما ترى في مَسِّ الرَّجل ذَكَره بعد ما يتوضأ؟ فقال: «هل هو إلا مُضْغَةٌ منه»، أو قال: « بَضْعَةٌ منه».
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد والترمذي والنسائي]
المزيــد ...

Ayon kay `Alīy bin Ṭalaq, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Pumunta kami sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at may dumating na isang lalaking para bang ito ay Arabeng-disyerto at nagsabi: "O Propeta ni Allāh, Ano po ang tingin mo sa lalaking humipo sa ari niya matapos siyang nagsagawa ng wuḍū'?" Nagsabi siya: "Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya." O nagsabi siya: "isang bahagi lamang mula sa kanya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: "ano po ang tingin mo sa lalaking humipo sa ari niya matapos siyang nagsagawa ng wuḍū'?" Nangangahulugan ito: Ano ang inobliga sa lalaki ng Batas ng Islām kapag hinipo niya ang ari niya matapos magsagawa ng wuḍū', may pananagutan ba siya? Sa isang sanaysay sa ganang kay Aḥmad: "Ang lalaki ay humipo ng ari niya sa ṣalāh, tungkulin ba niyang magsagawa ng wuḍū'? Nagsabi siya: "Hindi; ito ay bahagi mo." Ang "Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya" ay nangangahulugang: Ang ari ay gaya ng nalalabing mga bahagi ng katawan. Kaya kapag hinipo ng nakapagsagawa ng wuḍū' ang kamay niya o ang paa niya o ang ilong niya o ang ulo niya, hindi nasisira ang wuḍū' niya dahil doon. Gayon din kapag hinipo niya ang ari niya. Ang ḥadīth na ito ay alin sa dalawa: pinawalang-bisa o maipakakahulugang ang paghipo ay sa likod ng harang. Tungkol naman sa pagkakadiit ng ari sa kamay, nasisira ang wuḍū' batay sa ibang mga ḥadīth. Subul As-Salām 1/96, Fatḥ Dhi Al-Jalāl wa Al-Ikrām 1/259, at Tashīl Al-Ilmām 1/185.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan