+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: كان أصحاب رسول الله صلى الله عليه وسلم على عَهدِه ينتظرون العشاء حتى تَخْفِقَ رُءُوسُهُمْ، ثم يصلُّون ولا يَتَوَضَّئُونَ.
[صحيح] - [رواه مسلم وأبو داود واللفظ له]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang mga kasamahan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong panahon niya ay naghihintay ng `ishā’ hanggang sa napayuyuko ang mga ulo nila. Pagkatapos ay nagdarasal sila at hindi nagsasagawa ng wuḍū'."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang mga kasamahan noong buhay pa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naghihintay sa huling dasal sa gabi. Nakakatulog sila ng tulog na hindi mahimbing. Pagkatapos ay nagdarasal sila nang hindi inuulit ang wuḍū’. Ang sinumang gumawa ng isang gawain noong panahon ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at hindi niya minasama, ito ay itinuturing na bahagi ng pagsang-ayon. Ang pagsang-ayon ay itinuturing na isa sa mga anyo ng Sunnah ng Propeta na katumbas ng pagsabi o pagagawa o pagsang-ayon. Kaya ang anumang ginagawa noong panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at hindi niya minasama iyon, tunay iyon ay ibinibilang na bahagi ng Sunnah batay sa pagsang-ayon dahil kung sakaling ang dasal nila ay walang kabuluhan o ang gawa nilang ito ay hindi ipinahihintulot, ipinatalos na sana niya sa kanila iyon dahil sa kaalaman niya roon o sa pamamagitan ng pagsisiwalat ni Allah sa kanya. Ito ay salungat sa ginagawa matapos siyang sumakabilang-buhay. Ang "napayuyuko ang mga ulo nila" ay nangangahulugang dahil sa pananaig ng antok. Sa isang sanaysay: "hanggang sa tunay na ako ay talagang nakaririnig sa isa sa kanila ng hilik. Pagkatapos ay tumitindig sila, nagdarasal sila, at hindi na nagsasagawa ng wuḍū’." Sa isa pang sanaysay: "inilalapag nila ang mga tagiliran nila." Ang "Pagkatapos ay nagdarasal sila at hindi na nagsasagawa ng wuḍū'" ay nangangahulugang tumitindig sila para magdasal nang hindi na nila inuulit ang wuḍū’ dahil ang tulog nila ay hindi naging mahimbing at dahil sa kung sakaling nasira ang wuḍū’, talagang hindi niya sila pahihintulutan. Nagsabi tayo niyan bilang pagtutugma sa mga patunay sapagkat napagtibay na ang pagtulog ay nakasisira sa wuḍū’ gaya ng pagdumi at pag-ihi gaya ng sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "ngunit [hindi] dahil sa dumi, ihi, at tulog." May sabi siya gaya ng nasaad sa ḥadīth ayon kay `Alīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang mata ay sintas ng tumbong kaya ang sinumang natulog ay magsagawa ng wuḍū'." Nasaad naman sa ḥadīth ayon kay Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya: "Ang mata ay sintas ng tumbong kaya kapag natulog ang mga mata, nakakalag ang sintas." Sa mga patunay na ito ay may pagpapatibay na ang pagtuاog ay nakasisira sa wuḍū'. Sa ḥadīth ng usaping ito at ng nasaad kasama nito na mga sanaysay ay may pahiwatig na ang pagtulog ay hindi nakasisisra sa wuḍū'. Alinsunod doon, ipakakahulugan ang ḥadīth ng usapin at ganito rin ang sanaysay na "ِAng hilik at ang paghihiga ng tagiliran" na ang pagtulog ay hindi naging mahimbing. Makaririnig ka sa isa kanila ng hilik samantalang ito ay nasa simula ng pagtulog nito bago naging mahimbing ito. Ang paglalapag ng tagiliran ay hindi nag-oobliga ng pagkahimbing; maliwanag. Sa pamamagitan nito, napagtutugma ang mga patunay at maisasagawa ang lahat ng mga ito. Kapag maaari ang pagtutugma sa mga patunay, ito ay higit na karapat-dapat kaysa sa pagpapawalang-saysay sa ilan sa mga ito. Ang buod nito: Kapag nakatulog ang tao at nahimbing siya sa tulog niya sa paraang nawala nang lubusan ang kamalayan niya, ito ay mag-oobliga ng wuḍū’. Kung hindi naging mahimbing, hindi naoobligang magsagawa ng wuḍū'. Gayon pa man ang pinakakarapat-dapat at ang pinakamaingat ay na magsagawa ng wuḍū' bilang pag-iingat sa pagsamba. Kung nagduda kung ang tulog ay naging mahimbing ba o hindi, hindi masisira ang wuḍū' dahil ang pangunahing panuntunan ay ang pananatili ng kadalisayan at hindi naglalaho ang tiyak dahil sa pagdududa. Nagsabi si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah, kaawaan siya ni Allah: "Tungkol sa tulog na pinagduduhan ito kung may naganap kasama nito na pag-utot o wala, hindi nasisira ang wuḍū' dahil ang kadalisayan ay nananatiling tiyak kaya hindi maglalaho dahil sa pagdududa." Majmū` Fatāwā Shaykh Al-Islām 21/394, Subul As-Salām 1/88-89, Fatḥ Dhi Al-Jalāl wa Al-Ikrām 1/238, Tawḍīḥ Al-Aḥkām 282-283, at Tashīl Al-Ilmām 1/170-171.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan