عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعًا: «إِذَا لَبِسْتُم، وَإِذَا تَوَضَّأتُم، فَابْدَأُوا بَأَيَامِنُكُم».
[صحيح] - [رواه أبو داود واللفظ له، والترمذي وابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-((Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan))
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Pinagtibay sa Hadith ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-ang talakayan hinggil sa kainaman [ng paggamit] ng kanan sa mga maluwalhating bagay,Naisalaysay na ang Sugo ni Allah ay nagsabi: " Kapag kayo ay nagsuot ng damit" Ibig sabihin,kapag ninais ninyong magsuot" At kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu" Ibig sabihin: kapag ninais ninyo ang pagsagawa nito " Magsimula kayo sa inyong kanan" Pangkaramihan ng isang kanan,at ito ay salungat ng kaliwa,Magsusuot siya sa bandang kanan ng damit,bago ang kaliwa,at unahin niya ang kanang kamay at paa niya sa pagsasagawa ng wudhu,at hindi rin naman tama na unahin ang bandang kanan sa lahat ng gawain sa pagsasagawa ng wudhu,Pagkatapos ay dapat mong malaman na mayroong mga parte ng katawan na hindi mainam rito ang pag-una sa kanan,ito ang dalawang tainga,dalawang palad ng kamay,ang dalawang pisngi,subalit nararapat na linisin niya ito ng isang beses na sabay-sabay,at kapag may mabigat na dahilan tulad ng may kapansanan o ang mga katulad nito,Unahin niya ang kanan