عن سعيد بن الحارث: أنه سأل جابرا رضي الله عنه عن الوضوء مما مَسَّتِ النارُ، فقال: لا، قد كنا زمن النبي - صلى الله عليه وسلم - لا نجد مثل ذلك الطعام إلا قليلا، فإذا نحن وجدناه، لم يكن لنا مَنَادِيلُ إلا أَكُفَّنَا، وسَوَاعِدَنَا، وأَقْدَامَنَا، ثم نصلي ولا نتوضأ.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Sa`īd bin Al-Ḥārith, siya ay nagtanong kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya, tungkol sa wuḍū' dahil sa [pagkaing] nasaling ng apoy kaya nagsabi ito: "Hindi; kami noon nga sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nakatatagpo ng tulad ng pagkaing iyon malibang madalang. Kaya kapag kami ay nakatagpo niyon, wala kaming mga pamunas kundi ang mga palad namin, ang mga braso namin, at ang mga paa namin. Pagkatapos ay nagdarasal kami at hindi na kami nagsasagawa ng [panibagong] wuḍū'."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Tinanong ni Sa`īd bin Al-Ḥārith si Jābir, malugod si Allāh sa kanya, tungkol sa wuḍū' dahil sa [pagkaing] nasaling ng apoy dahil sa pagluluto o pag-iihaw at tulad niyon kung kinakailangan pa ba ito o hindi. Nagsabi si Jābir na hindi kinakailangan ang wuḍū' dahil doon. Pagkatapos ay nilinaw niya ang patunay niya roon. Sinabi niya: "Kami noon nga sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nakatatagpo ng tulad ng pagkaing iyon malibang madalang. Kaya kapag kami ay nakatagpo niyon, wala kaming mga panyong ipinampupunas sa sebo ng pagkain subalit ipinupunas namin ang mga daliri namin, matapos dilaan ang mga ito, sa mga palad namin, mga braso namin, at mga paa namin. Pagkatapos ay nagdarasal kami at hindi na kami nagsasagawa ng [panibagong] wuḍū'."