عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِذَا وَجَدَ أَحَدُكُمْ فِي بَطْنِهِ شَيْئًا، فَأَشْكَلَ عَلَيْهِ أَخَرَجَ مِنْهُ شَيْءٌ أَمْ لَا، فَلَا يَخْرُجَنَّ مِنَ الْمَسْجِدِ حَتَّى يَسْمَعَ صَوْتًا، أَوْ يَجِدَ رِيحًا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 362]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag nakaramdam ang isa sa inyo sa tiyan niya ng anuman saka nagpasuliranin sa kanya kung may lumabas ba mula sa kanya na anuman o wala, huwag nga siyang lalabas mula sa masjid hanggang sa makarinig siya ng isang tunog o makatagpo ng isang amoy."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 362]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag may nagpapabalik-balik na anuman sa tiyan ng tagapagsagawa ng ṣalāh ngunit nakalito sa kanya kung may lumabas ba sa kanya na anuman o wala, hindi siya lilisan sa pagsasagawa niya ng ṣalāh at puputol nito para mag-ulit ng wuḍū', hanggang sa makatiyak siya sa pagkakaroon ng ḥadath na tagasira ng wuḍū' niya dahil sa pagkarinig ng tunog ng utot o pagkaamoy ng baho dahil ang natitiyak ay hindi nagpapawalang-saysay rito ang pagdududa habang siya ay nakatiyak nga sa ṭahārah at ang ḥadath ay pinagdududahan.