عن أبي هريرة قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«حَقٌّ عَلَى كُلِّ مُسْلِمٍ أَنْ يَغْتَسِلَ فِي كُلِّ سَبْعَةِ أَيَّامٍ يَوْمًا، يَغْسِلُ فِيهِ رَأْسَهُ وَجَسَدَهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 897]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Isang tungkulin sa bawat Muslim na maligo siya sa isang araw sa bawat pitong araw, na maghuhugas siya rito ng ulo niya at katawan niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 897]
Nagpabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang tungkuling binibigyang-diin sa bawat Muslim na bāligh (umabot sa sapat na gulang) na nakapag-uunawa na maligo isang araw sa bawat pitong araw ng linggo, kaya maghuhugas siya sa araw na ito ng ulo niya at katawan niya bilang paghahangad ng kadalisayan at kalinisan. Ang higit na marapat sa mga araw na ito ay ang araw ng Biyernes, gaya ng naiintindihan mula sa ilan sa mga sanaysay. Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes bago ng ṣalāh [sa tanghali] ay isinakaibig-ibig ayon sa isang pagsasakaibig-ibig na binibigyang-diin, kahit pa man nakapaligo nang araw ng Huwebes, halimbawa. Ang tagapaglihis sa pagkakinakailangan [ng paligo sa Biyernes] ay ang sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ang mga tao noon ay nagpapatrabaho ng mga sarili nila. Sila noon, kapag pumunta sa ṣalāh sa Biyernes, ay pumupunta sa pantrabahong anyo nila kaya sinasabi sa kanila: Kung sakaling naligo sana kayo." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Sa isa namang salaysay niya: "Mayroon silang mga amoy." Ibig sabihin: amoy ng pawis at tulad nito. Gayon pa man sinasabi sa kanila: "Kung sakaling naligo sana kayo." Kaya ang mga taong iba sa kanila ay lalong higit na marapat maligo.