عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«لَا ضَرَرَ وَلَا ضِرَارَ، مَنْ ضَارَّ ضَرَّهُ اللَّهُ، وَمَنْ شَاقَّ شَقَّ اللَّهُ عَلَيْهِ».
[صحيح بشواهده] - [رواه الدارقطني] - [سنن الدارقطني: 3079]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang pamiminsala at walang pakikipagpinsalaan. Ang sinumang nakipagpinsalaan, mamiminsala sa kanya si Allāh; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."
[Tumpak sa pamamagitan ng mga patotoo nito] - [Isinaysay ito ni Addaraqutni] - [سنن الدارقطني - 3079]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan ang pagtulak ng kapinsalaan sa pamamagitan ng iba't ibang mga uri nito at mga pagkakahayag nito palayo sa sarili at palayo sa mga ibang tao. Kaya naman hindi ipinahihintulot sa isa man na mamerhuwisyo sa sarili niya o sa iba sa kanya nang magkapantay.
Hindi ipinahihintulot sa kanya na tapatan ang kapinsalaan ng kapinsalaan dahil ang kapinsalaan ay hindi naaalis sa pamamagitan ng kapinsalaan kundi sa pamamagitan ng ganting-pinsala (qaṣāṣ) nang walang paglabag.
Pagkatapos nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang banta sa pagtamo ng kapinsalaan sa sinumang namiminsala sa mga tao at ng pagtamo ng hirap sa sinumang nagpapahirap sa mga tao.