عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِذَا اسْتَيْقَظَ أَحَدُكُمْ مِنْ مَنَامِهِ فَلْيَسْتَنْثِرْ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ، فَإِنَّ الشَّيْطَانَ يَبِيتُ عَلَى خَيَاشِيمِهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 238]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
{Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na ang demonyo ay nagpapagabi sa mga butas-ilong niya.}
[Tumpak] - [Nagkasang-ayon sa katumpakan nito] - [Ṣaḥīḥ Muslim - 238]
Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumising mula sa pagkatulog niya na suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit. Tinatawag ito na istinthār: ang pagpapalabas ng tubig mula sa ilong matapos ng pagpapasok nito. Iyon ay dahil ang demonyo ay nagpapagabi sa butas-ilong niya, na ilong sa kabuuan nito.