+ -

عَنْ لَقِيطِ بْنِ صَبِرَةَ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
كُنْتُ وَافِدَ بَنِي الْمُنْتَفِقِ -أَوْ فِي وَفْدِ بَنِي الْمُنْتَفِقِ- إِلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: فَلَمَّا قَدِمْنَا عَلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَلَمْ نُصَادِفْهُ فِي مَنْزِلِهِ، وَصَادَفْنَا عَائِشَةَ أُمَّ الْمُؤْمِنِينَ، قَالَ: فَأَمَرَتْ لَنَا بِخَزِيرَةٍ، فَصُنِعَتْ لَنَا، قَالَ: وَأُتِينَا بِقِنَاعٍ -وَالْقِنَاعُ: الطَّبَقُ فِيهِ تَمْرٌ- ثُمَّ جَاءَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: «هَلْ أَصَبْتُمْ شَيْئًا؟ أَوْ أُمِرَ لَكُمْ بِشَيْءٍ؟» قَالَ: قُلْنَا: نَعَمْ، يَا رَسُولَ اللَّهِ، قَالَ: فَبَيْنَا نَحْنُ مَعَ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ جُلُوسٌ، إِذْ دَفَعَ الرَّاعِي غَنَمَهُ إِلَى الْمُرَاحِ، وَمَعَهُ سَخْلَةٌ تَيْعَرُ، فَقَالَ: «مَا وَلَّدْتَ يَا فُلَانُ؟»، قَالَ: بَهْمَةً، قَالَ: «فَاذْبَحْ لَنَا مَكَانَهَا شَاةً»، ثُمَّ قَالَ: «لَا تَحْسِبَنَّ» وَلَمْ يَقُلْ: لَا تَحْسَبَنَّ «أَنَّا مِنْ أَجْلِكَ ذَبَحْنَاهَا، لَنَا غَنَمٌ مِائَةٌ لَا نُرِيدُ أَنْ تَزِيدَ، فَإِذَا وَلَّدَ الرَّاعِي بَهْمَةً، ذَبَحْنَا مَكَانَهَا شَاةً» قَالَ: قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِنَّ لِي امْرَأَةً وَإِنَّ فِي لِسَانِهَا شَيْئًا -يَعْنِي الْبَذَاءَ- قَالَ: «فَطَلِّقْهَا إِذن»، قَالَ: قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ إِنَّ لَهَا صُحْبَةً، وَلِي مِنْهَا وَلَدٌ، قَالَ: «فَمُرْهَا» يَقُولُ: عِظْهَا، «فَإِنْ يَكُ فِيهَا خَيْرٌ فَسَتَفْعَلْ، وَلَا تَضْرِبْ ظَعِينَتَكَ كَضَرْبِكَ أُمَيَّتَكَ» فَقُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، أَخْبِرْنِي عَنِ الْوُضُوءِ، قَالَ: «أَسْبِغِ الْوُضُوءَ، وَخَلِّلْ بَيْنَ الْأَصَابِعِ، وَبَالِغْ فِي الِاسْتِنْشَاقِ إِلَّا أَنْ تَكُونَ صَائِمًا».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه] - [سنن أبي داود: 142]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
Ako ay naging delegado ng Angkan ng Muntafiq — o sa delegasyon ng Angkan ng Muntafiq — sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi kami nakasumpong sa kanya sa tahanan niya at nakasumpong naman kami kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya. Nag-utos siya na maghanda para sa amin ng khazīrah saka ginawa naman ito para sa amin. Dinalhan kami ng isang bandehadong may datiles. Pagkatapos dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Hinainan ba kayo ng anuman o may ipinahanda ba para sa inyo na anuman?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Habang kami naman kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang humangos ang pastol ng mga tupa niya papunta sa pahingahan habang may kasama itong isang korderong umuungol. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan, O Polano?" Nagsabi ito: "Babaing tupa." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Huwag ka nga magpalagay, huwag ka ngang magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon kaming isang daang tupa na hindi kami nagnanais na madagdagan. Kaya kapag nagpaanak ang pastol ng isang babaing tupa, nagkakatay kami kapalit nito ng isang tupa." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong maybahay at tunay na sa dila niya ay may isang bagay." Tumutukoy ito sa kabastusan. Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang pinagsamahan [sa akin] at may anak ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pag-utusan mo siya," nais niyang sabihing pangaralan mo siya, "sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, gagawin niya. Huwag kang mamalo sa kabiyak mo gaya ng pagpalo mo sa munting babaing alipin mo." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}

[Tumpak] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه] - [سنن أبي داود - 142]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid si Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagdelegasyon siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng iba pa sa kanya kabilang sa mga kalipi niya, ang Angkang ng Muntafiq. Nagsabi siya: "Hindi kami nakatagpo sa kanya sa tahanan niya at nakatagpo naman kami sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) saka nag-utos ito na gumawa para sa amin ng sopas mula sa harina at taba at may inihain para sa amin na isang bandehang may datiles. Pagkatapos dumating siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "May inihain ba sa inyo na anumang pagkain?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi si Laqīṭ: "Habang kami naman kasama niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mga nakaupo, biglang dumating ang pastol ng mga tupa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nag-aakay ng mga ito papunta sa lugar ng pagmamagdamagan ng mga ito habang nagdadala kasama nito ng isang anak na tupa, na sumisigaw. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan?" Nagsabi ito: "Babae po." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka nga magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon lamang kaming mga tupa na ang bilang ng mga ito ay isang daan at hindi kami nagnanais na madagdagan lampas sa bilang na ito. Kaya kapag may dumating na isang baong ipinanganak, nagkakatay kami kahalili nito." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang maybahay ko ay may dilang mahaba at may kahalayan. Kaya papaano po ang gagawin ko sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon siyang matagal na pinagsamahan sa akin at may supling ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pangaralan mo siya sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, tutugon siya sa pangaral mo; at kung hindi naman siya tumugon, paluin mo siya nang isang palong hindi nakasasakit. Huwag kang mamalo sa kanya gaya ng pagpalo mo sa mga alipin mo." Pagkatapos nagsabi pa si Laqīṭ: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Magpaabot ka ng tubig sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' sa mga parteng ukol dito. Magpalubos ka sa bawat bahaging hinuhugasan ng karapatan nito. Huwag kang mag-iwan ng anuman sa mga tungkulin dito at mga sunnah dito. Magpahiwalay ka ng mga daliri ng mga kamay mo at mga paa mo sa sandali ng paghuhugas sa mga ito. Magpasobra ka sa paghatak ng tubig paloob sa ilong mo sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' at pagpapalabas nito maliban na ikaw ay nagsagawa nga ng pag-aayuno upang hindi pumasok ang tubig sa kaloob-looban mo."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagpaparangal sa panauhin.
  2. Ang paglubus-lubos ay dalawang uri: 1. paglubus-lubos na kinakailangan, ang hindi nalulubos ang pagsasagawa ng wuḍū' kundi sa pamamagitan nito, na tinutukoy rito ang paghuhugas ng bahaging hinuhugasan at ang pagkasaklaw rito; 2. paglubus-lubos na isinasakaibig-ibig, ang nalulubos ang pagsasagawa ng wuḍū' nang wala nito, na tinutukoy rito ang nadagdag sa kinakailangan na ikalawa at ikatlong paghuhugas at ito ay iminumungkahi.
  3. Ang pagsasakaibig-ibig sa pagsisingit ng mga daliri ng mga kamay at mga paa sa sandali ng paghuhugas ng mga ito. Ang pagsisingit sa mga ito ay gumagawa sa tubig na nakaaabot sa mga pagitan ng mga daliri.
  4. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Sumagot lamang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga sunnah ng wuḍū' dahil ang tagapagtanong ay nakaaalam na sa saligan ng pagsasagawa ng wuḍū'.
  5. Kabilang sa mga kagandahan ng mga katangian ng pagkatao ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapahalaga niya sa mga damdamin ng mga ibang tao at ang pagsasaalang-alang sa mga sikolohiya nila.
  6. Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagkakinakailangan ng pagmumumog sa pagsasagawa ng wuḍū'.
  7. Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagsasakaibig-ibig ng pagpapalabis sa pagsinghot ng tubig maliban sa nag-aayuno sapagkat ito ay hindi isinasakaibig-ibig upang hindi humantong ang pagpapalabis sa pagsinghot ng tubig sa pagpasok sa ilong hanggang sa lalamunan para makasira ng ayuno.
  8. May nasaad dito na isang patunay na hindi kinakailangan ang paglikas sa bawat sinumang umanib sa Islām dahil ang Angkan ng Muntafiq at ang iba pa sa kanila ay hindi lumikas; bagkus nagsugo sila ng mga delegasyon nila. Ito ay gayon din kapag sa isang lugar ay nakakakaya sa paglalantad ng Relihiyong Islām doon.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan