+ -

عن أبي ذر رضي الله عنه قال: قال لي رسول الله صلى الله عليه وسلم «يَا أَبَا ذَرٍّ، إِنِّي أَرَاكَ ضَعِيفًا، وَإِنِّي أُحِبُّ لَكَ مَا أُحِبُّ لِنَفْسِي، لاَ تَأَمَّرَنَّ عَلَى اثْنَينِ، وَلاَ تَوَلَّيَنَّ مَالَ يَتِيمٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: Sinabi sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O Abū Dharr,nakikita ko sa iyo ang kahinaan,at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili,;Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa,at huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapaalam ni Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya.-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa kanya: "Nakikita ko sa iyo ang kahinaan,at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili;Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa,at huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila" Ito ay apat na salita na ipinahayag ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kay Abe Dharr, Una: Nagsabi siya sa kanya:" Nakikita ko sa iyo ang kahinaan",at ang katangian na ito ay naaangkop sa kasalukuyan na may dalang pagpapayo,At hindi kasalanan sa tao,kapag sinabi niya halimbawa sa kapwa niya na:Mayroon kang ganito at ganito,bilang pagpayo at hindi upang insultuhin at pahiyain,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: "Nakikita ko sa iyo ang kahinaan" Pangalawa: Nagsabi siya:"at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili" at ito ay kabilang sa magandang kaugalian ng Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga,At nang mangyari na ang unang pangungusap ay mayroong mga bagay na kapintasan,nagsabi siya ng:"tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili" Ibig sabihin ;Hindi ko sinasabi sa iyo ang mga bagay na ito maliban sa tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili.Ang Pangatlo:"Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa" Ang kahulugan nito: Huwag kang mamumuno sa dalawa,at ang anumang maging karagdagan nito,ay siyang higit na mainam.Ang kahulugan nito: Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinagbawalan siya na maging pinuno;dahil siya ay mahina,At ang pamumuno ay nangangailangan ng taong malakas at mapagkakatiwalaan,Siya ay malakas na kung saan, sa kanya ay may kapangyarihan at matalas na pananalita,At ang sinasabi niya ay gagawin niya,Hindi siya dapat maging mahina sa harapan ng mga tao,sapagkat ang mga tao,kapag nakita nilang mahina ang isang tao [sa harapan nila],wala siyang makukuhang paggalang mula sa kanila,at aalipustahin siya ng mga mapagmalabis na tao,Subalit kapag siya ay malakas,at hindi lumalagpas sa mga limitasyon ni Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-at hindi nagpapabaya sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ni Allah,ito ang tinatawag na tunay na pinuno. Ang pang-apat: "Huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila" At ang batang ulila,ay yaong namatayan ng ama,bago ito umabot sa hustong gulang, Ipinagbawal sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na mamamahala siya sa mga yaman ng mga batang ulila, Dahil ang yaman ng mga batang ulila ay nangangailangan ng kalinga at pangangalaga, At si Abu Dharr ay mahina at walang kakayahan sa pangangalaga ng mga yamang ito ng tunay na pangangalaga. Kung-kaya`t sinabi niya sa kanya:"Huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila" Ibig sabihin,huwag kang mamahala rito,at hayaan mo ang iba [na gumanap nito].At ito ay hindi bilang panlalait kay Abe Dharr,sapagkat tunay na siya ay nagtatagubilin ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan,at maliban rito ay ang kanyang pagiging hindi makamundong-bagay at paghihigpit,subalit siya ay mahina sa mga ilang nakatalagang bagay at ito ang pamumuno at pamamahala

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin