عَنْ أَبِي بَكْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَنَّهُ سَمِعَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«لَنْ يُفْلِحَ قَوْمٌ وَلَّوْا أَمْرَهُمُ امْرَأَةً».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 4425]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa ng pamamahala sa kanila sa isang babae."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 4425]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi magtatamo ang mga tao ng hinahangad nila kapag nagpangasiwa sila at nagpamahala sila sa babae ng nauukol sa kanila na paghuhukom o pamumunong pangkalahatan o pagkaministro.