+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال:
لَعَنَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ الرَّاشِيَ وَالْمُرْتَشِيَ فِي الْحُكْمِ.

[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 1336]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nanunuhol at ang nagpapasuhol sa paghahatol.}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 1336]

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtataboy at pagpapalayo sa awa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa tagapagbayad ng suhol, tagakuha nito, at tagahawak nito.
Kabilang doon ang ibinabayad sa mga hukom upang magwalang-katarungan sa paghahatol na binabalikat nila upang umaabot dahil dito ang tagapagbigay sa ninanais niya nang walang katwiran.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ipinagbabawal ang pagkakaloob ng suhol, ang pagtanggap nito, ang pamamagitan dito, at ang pagtulong para rito dahil sa taglay nito na pakikipagtulungan sa kabulaanan.
  2. Ang suhol ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala dahil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa tagatanggap nito at tagapagbigay nito.
  3. Ang suhol sa panig ng paghuhukom at paghahatol ay higit na mabigat na krimen at higit na matindi na kasalanan dahil sa taglay nito na kawalang-katarungan at paghahatol nang hindi ayon sa pinababa ni Allāh.