+ -

عن أبِي هريرة رضي اللَّه عنه: سمعتُ النبِيّ صلى الله عليه وسلم يقول:
«الفِطْرَةُ خمسٌ: الخِتَانُ والاستحدادُ وقصُّ الشَّارِبِ وتقليمُ الأظفارِ وَنَتْفُ الآبَاطِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5891]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang naturalesa [ng kalinisan] ay lima: ang pagpapatuli, ang pag-aahit sa ari, ang pagputol ng bigote, ang paggupit ng mga kuko, at ang pagbunot [ng buhok] sa kilikili."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5891]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng limang kakanyahan ng Relihiyong Islām at mga sunnah ng mga isinugo.
A. Ang Pagpapatuli. Ito ay ang pagputol ng balat na lumalabis sa ari ng lalaki lampas sa glans (ulo ng ari ng lalaki) at ang pagputol ng dulo ng clitoris sa ari ng babae lampas sa labia majora.
B. Ang Pag-aahit sa Ari. Ito ay ang pag-aahit sa buhok (pubic) na nasa paligid ng ari.
C. Ang Pagputol ng Bigote. Ito ay ng anumang umabot sa pang-itaas na bibig ng lalaki upang lumantad ang bibig.
D. Ang Paggupit ng mga Kuko.
E. Ang Pagbunot ng Buhok sa Kilikili.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang mga sunnah ng mga isinugo na naiibigan ni Allāh, kinalulugdan Niya, at ipinag-uutos Niya ay nag-aanyaya tungo sa kalubusan, integridad, at karikitan.
  2. Ang pagkaisinasabatas ng pagpapahalaga sa mga gawaing ito at ang hindi pagkalingat sa mga ito.
  3. Ang mga katangiang ito ay may mga pakinabang na panrelihiyon at pangmundo. Kabilang sa mga ito ang pagpapaganda ng anyo, ang paglilinis ng katawan, ang pag-iingat para sa kadalisayan, ang pakikipagsalungat sa mga tagatangging sumampalataya, at ang pagsunod sa utos ni Allāh.
  4. May nabanggit sa mga ibang ḥadīth na isang karagdagan sa mga katangian ng naturalesa na iba pa sa limang ito, tulad ng pagpapalago ng balbas, paggamit ng siwāk, at iba pa sa mga ito.