عَنْ حُذَيْفَةَ رضي الله عنه قَالَ:
كَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا قَامَ مِنَ اللَّيْلِ يَشُوصُ فَاهُ بِالسِّوَاكِ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 245]
المزيــد ...
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 245]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay madalas na gumagamit ng siwāk at nag-uutos nito. Ito ay nabibigyang-diin sa ilan sa mga pagkakataon. Kabilang sa mga ito ang paggamit ng siwāk sa sandali ng pagbangon sa gabi yayamang siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagkukuskos ng ngipin at naglilinis ng bibig sa pamamagitan ng siwāk.