عن عبد الله بن زيد بن عاصم المازني رضي الله عنه قال: (شُكِيَ إلى النبيِّ صلى الله عليه وسلم الرَّجلُ يُخَيَّلُ إِليه أنَّه يَجِد الشَّيء في الصَّلاة، فقال: لا ينصرف حتَّى يَسمعَ صَوتًا، أو يَجِد رِيحًا).
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Zaid bin `Asim Al-Mazini, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:((Naireklamo sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki,na inaakala niya na may nararamdaman siyang bagay sa pagdarasal,Ang sabi niya:Huwag siyang umalis hanggat hindi siya nakarinig ng tunog o nakatagpo ng amoy))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Hadith na ito -tulad ng nabanggit ni Imam An-Nawawi-Kaawaan siya ni Allah-ay mula sa Pangkalahatang Panuntunan ng Islam at mga Saligan nito na kung saan ay binubuo rito ang Karamihan sa mga Marangal na Panuntunanan,At ito ay ang: Pagbabasi sa Pagpapanatili sa lahat ng bagay na may katiyakan, sa Panuntunan nito,Hindi ito dapat baguhin dahil lamang sa Pagdadalawang-isip o pag-aalinlangan,maging malakas man ang pagdadalawang-isip o humina,hanggat hindi ito dumarating sa antas ng Katiyakan o paggapi sa pag-aalinlangan,At ang mga halimbawa nito ay napakarami at hindi naikakaila,Kabilang dito ay ang Duming ito, Hanggat nanatili ang isang tao na siya ay nasa katiyakan ng Kalinisan,pagkatapos ay nagdalawang -isip sa Dumi [Kawalang-bisa ng Wudhu],Ang Pinagbabasihan ay ang pagpapanatili sa Kalinisan,At sa gayundin ang kabaliktaran nito; Sinuman ang nakatitiyak na siya ay nasa Dumi [Kawalang-bisa ng Wudhu],at nagdalawang -isip [na siya ay nasa loob ng] kalinisan,Ang pinagbabasihan ay ang Pagpapanatili sa Dumi [Kawalang-bisa ng Wudhu],At kabilang dito ay ang mga damit at mga lugar.Ang pinagbabasihan rito ang Kalinisan maliban sa katiyakan ng pagiging marumi nito,At kabilang din dito ay ang bilang ng mga tindig sa Pagdarasal, Sinuman ang nakatitiyak na siya ay nakapagdasal ng Tatlong tindig,halimbawa,At nagdalawang isip siya sa ika-apat na tindig,Ang pinagbabasihan ay ang kawalan nito [sa pagdadalawang -isip],at nararapat sa kanya na magdasal sa ika-apat na tindig,At gayundin ,sa sinumang nagdalawang isip kung nakapaghiwalay ba siya sa asawa niya,Ang pinagbabasihan ay ang pananatili ng Kasal,At ito ay kabilang sa mga napakaraming Talakayan na hindi naikakaila.