+ -

عَنِ شُرَيْحٍ بنِ هانِئٍ قَالَ:
سَأَلْتُ عَائِشَةَ، قُلْتُ: بِأَيِّ شَيْءٍ كَانَ يَبْدَأُ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا دَخَلَ بَيْتَهُ؟ قَالَتْ: بِالسِّوَاكِ.

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 253]
المزيــد ...

Ayon kay Shurayḥ bin Hāni' na nagsabi:
{Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 253]

Ang pagpapaliwanag

Bahagi ng paggabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsimula siya sa paggamit ng siwāk kapag pumasok siya sa bahay niya sa alinmang oras sa gabi o maghapon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng paggamit ng siwāk ay pangkalahatan sa lahat ng mga oras. Nabibigyang-diin iyon sa mga oras na ihinabilin ng Tagapagbatas. Kabilang sa mga ito sa sandali ng pagpasok sa bahay, sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh, sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', matapos magising sa pagkatulog, at sa sandali ng pag-iba ng amoy ng bibig.
  2. Ang paglilinaw sa sigasig ng mga Tagasunod sa pagtatanong tungkol sa mga kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga sunnah niya upang tularan nila.
  3. Ang pagkuha ng kaalaman mula sa mga alagad nito at mula sa sinumang higit na maalam yayamang tinanong si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkapasok sa bahay.
  4. Ang kagandahan ng pakikisama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mag-anak niya yayamang siya ay nagdadalisay ng bibig niya sa sandali ng pagkapasok sa bahay.