+ -

عن ابن مسعود رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «أيُّكم مالُ وارثِه أحَبُّ إليه من مالَه؟» قالوا: يا رسول الله، ما منَّا أحد إلا مَالُه أحَبُّ إليه. قال: «فإن مالَه ما قدَّم، ومالُ وارثِه ما أخَّر».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Alin sa inyo ang yaman ng tagapagmana niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa yaman niya? Nagsabi sila: O Sugo ni Allāh, wala sa amin ni isa man na hindi higit na kaibig-ibig sa kanya ang yaman niya. Nagsabi siya: Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Tinatanong ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga Kasamahan niya, na nagsasabi: "Alin sa inyo ang yaman ng tagapagmana niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa yaman niya? Nangangahulugan ito: Alin sa inyo ang iibigin na ang yaman ng tagapagmana niya na pagmamay-ariin nito kapag wala na siya nang higit sa pagkaibig niya sa yaman niya minamay-ari niya sa buhay niya? Nagsabi sila: "Wala sa amin ni isa man na hindi higit na kaibig-ibig sa kanya ang yaman niya." Ibig sabihin: Walang taong hindi nakatatagpo sa sarili niya na nakaiibig sa yaman niya na pagsasakatuparan ng mga nais niya at mga mithiin niya. Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ang yaman niya ay ang ipinauna niya at ang yaman ng tagapagmana niya ay ang ipinahuli niya." Ibig sabihin: "Na ang yaman na ginugugol ng tao sa buhay niya para sa sarili niya, matuwid na mga gawain niya tulad ng ḥajj at waqf, pagpapatayo ng paaralan, gusali ng masjid, at ospital, o ginugugol niya sa sarili nila at mag-anak niya, ay ang totoong yaman na matatagpuan niya sa harapan niya sa Araw ng Pagkabuhay. Tungkol naman sa iniimpok niya sa panahon ng buhay niya at ipinagmamaramot niyang gugulin alang-alang kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ito ay magiging yaman ng tagapagmana niya: wala siyang anumang mapakikinabangan dito. Sa kasingkahulugan na ḥadīth ng paksa, [nasaad sa] Isinaysay ni Muslim buhat kay `Abdullāh bin Ash-Shukhayr, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Pinuntahan ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang siya ay bumibigkas ng alhākumu -ttakāthur..." Nagsabi siya: "Magsasabi ang anak ni Adan: 'Ang yaman ko, ang yaman ko.' Sasabihin: 'Mayroon ka, o anak ni Adan, bang yaman mo bukod pa sa kinain mo at saka inubos mo, o isinuot mo at saka niluma mo, o kinawanggawa mo at saka pinanatili mo." Hindi nangangahulugan ito na ang tao ay gugugol ng lahat ng yaman niya alang-alang kay Allāh at mananatili siya at ang pamilya niya na nagpapalimos sa mga tao, bagkus ang nilalayon mula sa ḥadīth ay na ang tao, kung papaano siyang nagsisikap na mag-ipon para sa mga tagapagmana kapag wala na siya, gayon din kailangan niyang magsikap na mag-ipon para sa Kabilang-buhay niya sa pamamagitan ng lumabis sa gugulin niya at gugulin ng sinumang umaasa sa kanya tulad ng maybahay, mga anak, at mga magulang dahil ito ay bahagi ng isinatungkuling guguling hindi maiiwasan at kung hindi isasagawa ay magiging nagkakasala. Nagpapatunay roon ang Isinaysay ni Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: O anak ni Adan, tunay na kung ikaw ay magbibigay ng kalabisan, mabuti [ito] sa iyo; at kung ipagkakait mo, masama [ito] sa iyo." Isinaysay ito ni Muslim (2/718) numero 1036.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Tamil
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan