+ -

عَنْ زَيْنَبَ بِنْتِ جَحْشٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْها أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ دَخَلَ عَلَيْهَا فَزِعًا يَقُولُ:
«لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ، وَيْلٌ لِلْعَرَبِ مِنْ شَرٍّ قَدِ اقْتَرَبَ، فُتِحَ اليَوْمَ مِنْ رَدْمِ يَأْجُوجَ وَمَأْجُوجَ مِثْلُ هَذِهِ» وَحَلَّقَ بِإِصْبَعِهِ الإِبْهَامِ وَالَّتِي تَلِيهَا، قَالَتْ زَيْنَبُ بِنْتُ جَحْشٍ فَقُلْتُ يَا رَسُولَ اللَّهِ: أَنَهْلِكُ وَفِينَا الصَّالِحُونَ؟ قَالَ: «نَعَمْ إِذَا كَثُرَ الخَبَثُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3346]
المزيــد ...

Ayon kay Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa kinaroroonan niya dala ng panghihilakbot, na nagsasabi:
"Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito."} Nagsabi si Zaynab bint Jaḥsh: {Kaya nagsabi ako, O Sugo ni Allāh, masasawi po ba tayo samantalang nasa atin ang mga maayos na tao? Nagsabi siya: "Oo, kapag dumami ang karumalan."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3346]

Ang pagpapaliwanag

Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ni Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya) dala ng panghihilakbot habang nangangamba samantalang siya ay nagsasabi: "Walang Diyos kundi si Allāh," bilang pagpapahayag ng inaasahang bagay na kinasusuklamang mangyayari. Walang kaligtasan mula rito kundi sa pamamagitan ng pagdulog kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na ang pagkaganap nito! Binuksan ngayong araw mula sa saplad# ng Gog at Magog, ang dam na ipinatayo ni Dhulqarnayn, ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito. Nagsabi si Zaynab (malugod si Allāh sa kanya): "Papaano pong magpapangibabaw si Allāh sa atin ng kasawian samantalang nasa atin ang mga mananampalatayang maayos?" Nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dumami ang karumalan mula sa mga katiwalian, pagsasamasamang-loob, mga pagsuway, pangangalunya, mga alak, at iba pa sa mga ito, lalaganap ang kasawian sa lahat.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghihilakbot ay hindi aabala sa puso ng mananampalataya palayo sa pag-alaala kay Allāh sa sandali ng pangamba dahil sa pag-aalaala kay Allāh napapanatag ang mga puso.
  2. Ang paghimok sa pagmamasama sa mga pagsuway at ang pagpigil sa pagkaganap ng mga ito.
  3. Nangyayari ang kasawiang panlahat dahilan sa dami ng mga pagsuway, paglaganap ng mga ito, at kawalan ng pagmamasama sa mga ito kahit dumami pa ang mga taong maayos.
  4. Ang mga kapahamakan ay lalahat sa mga tao sa nang sama-sama: sa mga maayos at mga tiwali, subalit sila ay bubuhayin ayon sa mga layunin nila.
  5. Itinangi ang mga Arabe sa pagsabi niya: "Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na!" dahil sila ay ang karamihan sa mga umanib sa Islām nang nagsabi siya niyon.
Ang karagdagan