+ -

عن أُمِّ قَيْسِ بِنْتِ مِحْصَنٍ الأَسَدِيَّة رضي الله عنها «أنَّها أتَت بابن لها صغير لم يأكل الطعام إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم فأجلسه في حِجْرِه، فبال على ثوبه، فدعا بماء فَنَضَحَه على ثوبه، ولم يَغْسِله». عن عَائِشَةَ أُمِّ الْمُؤْمِنِين رضي الله عنها «أنَّ النَّبي صلى الله عليه وسلم أُتِيَ بصبي، فبال على ثوبه، فدعا بماء، فأَتبَعَه إِيَّاه». وفي رواية: «فَأَتْبَعَه بوله، ولم يَغسِله» .
[صحيح] - [حديث أم قيس الأسدية -رضي الله عنها-: متفق عليه. حديث عائشة -رضي الله عنها-: الرواية الأولى متفق عليها، الرواية الثانية: رواها مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Ummu Qays bint Mihsan Al-Asadiyyah-malugod si Allāh sa kanya-(( Tunay na dinala niya ang maliit niyang sanggol, -na hindi pa kumakain- sa Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-pinaupo niya ito sa kanyang kandungan.Umihi ito sa damit niya,humingi siya ng tubig at pinawisikan niya ang kanyang damit at hindi niya ito hinugasan)) Ayon kay 'Āishah-Ina ng mananampalataya-malugod si Allāh sa kanya-(( Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang sanggol,umihi ito sa damit niya,Humingi siya ng tubig at pinatalsikan niya ito)) at sa isang salaysay:(( pinatalsikan niya ang ihi nito at hindi niya hinugasan))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang mga Sahābah [kasamahan ng Propeta] malugod si Allāh sa kanila,ay dumarating sila sa Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na dala-dala ang kanilang mga anak,upang makapagkamit sila sa pagpapala niya at pagpapala ng mga panalangin niya para sa kanila,At ang Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-dahil sa kagandahang-loob niya at kabutihan ng pag-uugali niya,hinaharap niya sila sa anumang ipinagkaloob ni Allāh sa kanya,mula sa pagiging maaliwalas na mukha at pagpapatawad.Dumating si "Ummu Qays" dala ang kanyang anak na sanggol,nabubuhay pa lamang sa gatas at hindi pa ito umabot sa gulang na nabubuhay sa [pagkain ng] hindi gatas,at kabilang sa habag niya, pinaupo niya ito sa kanyang maluwalhating kandungan,Umihi ang sanggol sa damit ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-humingi siya ng tubig at pinawisikan niya ang parte na may ihi sa damit niya,at hindi niya ito hinugasan

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan