+ -

عن عَبدُ اللَّهِ بنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قال: «بِتُّ عِندَ خَالَتِي مَيمُونَة، فَقَام النَبيَّ صلى الله عليه وسلم يُصَلِّي مِن اللَّيل، فَقُمتُ عَن يَسَارِه، فَأَخَذ بِرَأسِي فَأَقَامَنِي عن يَمِينِه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay ' Abdullah bin 'Abbās-malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: (( Natulog ako sa tiyahin kong si Maymūnah, Tumayo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang magdasal sa [Hating] gabi. Tumayo ako sa bandang kaliwa niya,Kinuha niya ang ulo ko at pinatayo niya ako sa bandang kanan niya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapahayag ng Marangal na kasamahan ng Propeta na si Ibn 'Abbās malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na siya ay natulog sa tiyahin niya-asawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang makita niya -mismo sa sarili niya-ang pagdadasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Tahajjud. At nang tumayo siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang magdasal [ng hating] gabi,Tumayo si Ibn 'Abbās kasama niya upang magdasal sa pagdarasal niya,At sa bandang kaliwa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[nakatayo ang] Ma'mum [Sumusunod sa Imām sa pagdarasal], At sapagkat ang bandang kanan ang siyang pinakamarangal,at ito ang tinatayuan ng Ma'mum[ Sumusunod sa Imām sa pagdarasal] nila sa Imām kapag ito ay nag-iisa. Kinuha ng Propeta pagpalain siya ni Allah at Pangalagaan-ang ulo niya.pina-ikot niya ito sa likod niya, at pinatayo sa bandang kanan niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin