+ -

عن أبي أمامة صُدي بن عجلان الباهلي رضي الله عنه قال: سَمِعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يَخطُبُ في حَجَّة الوَدَاع، فقال: «اتَّقُوا الله، وصَلُّوا خَمسَكُم، وصُومُوا شَهرَكُم، وأَدُّوا زَكَاة أَموَالِكُم، وأَطِيعُوا أُمَرَاءَكُم تَدخُلُوا جَنَّة رَبِّكُم».
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد وابن حبان. تنبيه: عند أحمد بدل اتقوا: [اعبدوا ربكم]، وعندهما: (ذا أمركم) أما (أمراءكم) فلفظ ابن حبان]
المزيــد ...

Ayon kay Umāmah Ṣudayy bin `Ajlān Al-Bāhilīy, malugod si Allāh sa kanya: “Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa Ḥajj ng Pamamaalam at sinabi niya: Mangilag kayong magkasala kay Allāh, dasalin ninyo ang limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, ibigay ninyo ang zakāh ng mga yaman ninyo, tumalima kayo sa mga pinuno ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Sa Hajj na Pamamaalam,Nagsermon ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Araw ng Arafah,at nagsermon siya sa Araw ng Pagkatay-nagpatnubay siya sa mga tao at nagbigay ng paalala sa kanila,At ang pagsesermon na ito ay kabilang sa Rawatib na Sermon,na siyang Sunnah para sa isang namumuno sa mga nagsasagawa ng Hajj ang pagsermon sa mga tao tulad ng pagsermon sa kanila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At kabilang sa kabuuan ng nabanggit sa isang Pagsesermon sa Hajj na pamamaalam,ang sumusunod:"Mangilag kayong magkasala kay Allāh" Ipinag-utos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lahat ng tao na mangilag sila sa pagkakasala sa Panginoon nila,na siyang Lumikha sa kanila,At nagkaloob sa kanila ng mga biyaya Niya,At nangako sa kanila sa pagtalima ng Mensahe niy,Ipinag-utos niya sa kanila na mangilag sa pagkakasala kay Allah,At sa pagsabi niya: "Dasalin ninyo ang limang [dasal] ninyo"Ibig sabihin ay:Idasal ninyo ang limang beses na pagdarasal na isinatungkulin ni Allah-Kamahal-mahaalan Siya-Kapiita-pitagan- sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At sa pagsabi niya:"mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo" Ibig sabihin : ay ang buwan ng Ramadhan, At sa pagsabi niya: "Ibigay ninyo ang zakāh ng mga yaman ninyo"Ibig sabihin :Ibigay ninyo ito sa mga karapat-dapat nito at huwagkayong maging maramot rito.At sa pagsabi niya: "Tumalima kayo sa mga pinuno ninyo" Ibig sabihin: Sinuman ang itinalaga ni Allah na mamuno sa inyo;At nasasakupan nito ang mga pinuno sa mga lugar at nayon,at nasasakupan din nito ang namumuno sa pangkalahatan: Ibig sabihin ay ang namumuno sa isang bansa sa lahat [ng nasasakupan] nito.Nararapat lamang sa pinangangalagaan ang pagtalima nila sa [mga bagay] na hindi labag sa Allah,Subalit kapag ito ay lumalabag sa [kagustuhan] ni Allah,Hindi ipinaapahintulot ang pagtalima sa kanila kaahit pa ito ay ipag-utos sa kanila,Spagkat ang pagtalima sa nilikha ay hindi nauuna sa pagtalima sa may Likha-Kamahal-mahalan Siya-at Kapita-pitagan,At ang gantimpala ng sinumang gumawa nito ay ang Paraiso.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin