عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سأل رجل النبي صلى الله عليه وسلم فقال: يا رسول الله، إنا نركب البحر، ونحمل معنا القليل من الماء، فإن توضأنا به عطشنا، أفنتوضأ بماء البحر؟ فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «هو الطَّهُورُ ماؤه الْحِلُّ مَيْتَتُهُ».
[صحيح] - [أخرجه أبو داود والترمذي وابن ماجه والنسائي ومالك والدارمي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May nagtanong na isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay sumasakay sa [sasakyang] dagat at nagdadala ng kaunting tubig. Kaya kung magsasagawa kami ng wuḍū' gamit ito, mauuhaw kami. Magsasagawa po ba kami ng wuḍū' gamit ang tubig ng dagat?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām Mālik - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]
Nililinaw ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagkadalisay ng tubig ng dagat, ang pagpapahintulot sa pagdadalisay mula rito, at ang pagkaipinahihintulot ng anumang namatay rito na kabilang sa mga hayop nito gaya ng mga isda at iba pa. Minḥah Al-`Allām 1/28 at Tawḍīḥ Al-Aḥkām 1/116.