+ -

عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما قال: سُئِلَ رسول الله صلى الله عليه وسلم عن الماء وما يَنُوبُهُ من الدواب والسِّبَاعِ، فقال صلى الله عليه وسلم : «إذا كان الماء قُلَّتين لم يحمل الخَبَثَ».
[صحيح] - [رواه أبو داود وابن ماجه والترمذي والنسائي والدارمي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Tinanong ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, tungkol sa tubig at anumang uminom dito na mga hayop na maaamo at mababangis kaya nagsabi siya: "Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito tatalaban ng karumihan." [Ang Tagapagsalin: Ang dalawang qullah ay katumbas ng isang bariles o isang dram.]
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

Ang pagpapaliwanag

Nililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang tubig na marami ay hindi narurumihan sa payak ng pagkakadiit nito sa karumihan kung hindi nagbago ang isa sa mga katangian nito, na salungat sa kapag ito ay kaunti sapagkat ito ay nagiging marumi kadalasan dahil ito ay malamang na nagbago ang mga katangian. Alinsunod dito, kung ang tubig ay marami at nagbago ang mga katangian nito dahil sa karumihan, lumabas ito sa pagiging dalisay nito tungo sa pagiging marumi nito, kahit pa man ito ay dalawang qullah (isang bariles o isang dram). Binanggit niya iyon kaugnay sa paglalahad ng tanong tungkol sa tubig na tira ng mababangis at maaamong hayop. Nagpatunay iyon sa kawalan ng kadalisayan ng tubig na tira ng mga ito kadalasan malibang kapag ang tubig ay marami, na hindi nagbago ang mga katangian nito dahil doon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Aleman Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية
Paglalahad ng mga salin