عن عائشة رضي الله عنها قالت: «كُنت أغْتَسِل أنا ورسول الله صلى الله عليه وسلم من إناء واحد، تَخْتَلِفُ أَيْدِينَا فيه من الجَنَابة».
وفي رواية: «وتَلْتَقِي».
[صحيح] - [متفق عليه، والرواية الثانية رواها ابن حبان]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-(( Ako ay naliligo at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa isang lagayan ng tubig,nagsasalungat ang mga kamay namin dito,[dahil sa pagligo] mula sa pagiging junub)) At sa isang salaysay: (( At nagsasalubong)
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n - Napagkaisahan ang katumpakan]
Ikinikwento ng ina nating si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.- na siya ay sumabay sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagligo ng tubig na mayroon sa nag-iisang kinalalagyan nito,upang matanggal ang malaking dumi [Hadath Al-Akbar],at ito ang Junub.Tulad ng paglalarawan sa itsura ng pagsabay sa sinabi niyang: "nagsasalungat ang mga kamay namin dito" ibig sabihin ay ipapasok ko ang kamay ko sa lalagyanng isang beses upang sumandok rito,at ipapasok niya ang kamay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa lalagyan ng isang beses upang sumandok rito,tulad ng dumating sa salaysay ni Imam Al-Bukhariy,ayon kay `Ā’ishah-na siya ay nagsabing:"Ako ay naliligo at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa isang lagayan ng tubig,sumasandok kaming lahat rito"At ang sa salaysay ni Ibn Habban na ikalawa: Dumating ito sa maselang pagpapaliwanag sa larawan ng pagsabay na ito sa pagligo.At ito ay sa sinabi niyang: " At nagkakasalubong" Ibig sabihin ay: ang mga kamay;Ibig sabihin ay nagkakasabay sa oras ng pagkuha at pagsandok sa lalagyan.At sa salaysay na ito; Katotohanang ang mga kamay ay nagkakasalungat sa ilang beses na pagsandok at nagkakatagpo ang bawat isa nito