عن حذيفة رضي الله عنه مرفوعًا: «فُضِّلْنَا على الناس بِثَلاث: جُعِلَت صُفُوفَنا كصفُوف الملائِكة، وجُعلت لنَا الأرض كُلُّها مسجدا، وجُعلت تُرْبَتُهَا لنا طَهُورا، إذا لم نَجِد الماء. وذَكر خِصْلَة أُخرى».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Huzayfah-malugod si Allah sa kanya--Hadith na Marfu-(( Ginawa tayong higit na mainam sa sangkatauhan mula sa tatlong bagay:Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel,at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay kapag hindi tayo nakatagpo ng tubig,at nabanggit niya ang iba pang bagay))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang Hadith na ito ay upang ipahayag ang karangalan ng Ummah na ito at kainaman nito sa natitirang Ummah dahil sa iilang kalamangan nito-At ang pagsabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: "Ginawa tayong higit na mainam sa sangkatauhan mula sa tatlong bagay" Ibig sabihin:Tunay na si Allah ay ginawa tayong higit na mainam sa lahat ng mga naunang Ummah dahil sa tatlong bagay:At walang pinipili sa mga katangian ng Ummah na ito na tatlong bagay: Sapagkat siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ay bumababa sa kanya ang mga katangian ng Ummah niya,nang unti-unti,Ipinapahayag niya ang bawat bagay na bumababa sa kanya sa oras ng pagbaba nito ayon sa naaangkop rito:"Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel" at ito ay: Tunay na ang pagtayo natin sa pag-aalay ng dasal,aay tulad ng pagtayo ng mga Anghel sa Panginoon niya,at tunay na ginaganap nila ang unang [linya],pagkatapos ay ang sumusunod rito mula sa mga linya,Pagkatapos ay nagsisiksikan sila sa linya,ayon sa naisalaysay sa pagpapahayag rito sa Sunan Abe Dawud at iba pa nito (Hindi ba kayo maglilinya tulad ng paglilinya ng mga Anghel sa Panginoon niya?) Sinabi namin: O Sugo ni Allah,Papaano ba maglinya ang mga Anghel sa Panginoon niya? Nagsabi siya:(Ginaganap nila ang unang linya,at nagsisiksikan sila sa linya).At ito ay salungat sa mga naunang Ummah,sapagkat sila ay nagdadasal ayon sa pamamaraan sinasang-ayunan."at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay: Ibig sabihin:Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay ginawa Niya ang buong kalupaan ay mga lugar na ipinapahintulot para sa pagsasagawa sa pag-alay ng dasal,Kaya mag-aalay siya ng dasal sa kahit saang lugar siya aabutan ng oras ng pagdarasal,kaya walang pinipiling lugar na hindi ipinapahintulot sa iba,itoy bilang pagpapagaan sa kanila at pagpapadali.Salungat sa mga naunang Ummah,sapagkat sila ay hindi nag-aalay ng dasal maliban sa Simbahan o Kumbento,Kung kayat dumating sa ibang salaysay ang Hadith na ito mula kay Ahmad: (At ang mga nauna sa akin,sila ay nag-aalay ng dasal sa Simbahan) At sa ibang salaysay:(At wala kahit na isa mula sa mga Propeta ang nagdadasal liban sa pagdating nila sa Kumbento) Ngunit inilabas sa kabuuan ng Hadith na ito ang mga lugar na ipinagbawal sa Islam ang pag-aalay ng dasal rito,Tulad ng Palikuran at Libingan,tahanan ng Kamelyo,at ang mga lalagyan ng dumi."At Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay"Ibig sabihin ang paglipat sa pagsasagawa ng Tayammum ay [nangangailangan] ng kondisyon na pagkawala ng tubig,at napatunayan din ito sa Banal na Qur-an,Nagsabi siya-Pagkataas-taas Niya: {At kayo ay hindi nakatagpo ng tubig,kung gayun kayo ay magsagawa ng Tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa} [An-Nisa:43] at ito ay napagkaisahan ng mga May Kaaalaman,at kabilang din [maaaring walang matagpuang tubig] ang sinumang napipinsala sa paggamit nito."At nabanggit niya ang iba pang bagay" Ang nauna ay ang dalawang bagay;Sapagkat ang nabanggit patungkol sa kalupaan na [maaaring gawing] Masjid,at Ito ay dalisay, ay iisang bagay lamang.,At ang ikatlo ay hindi nabanggit rito,At naisalaysay ang pagbanggit rito sa Salaysay ni Imam An-Nisa-ie,na dumaan kay Abe Malik,na siyang tagasalaysay rito,sa [aklat ni Imam Muslim],Nagsabi siya: (At ipinagkaloob sa akin itong mga huling talata sa kabanata ng Al-Baqarah,na isang kayamanan sa ilalim ng Trono ni Allah,Hindi ito naipagkaloob sa sinumang nauna sa akin,at Hindi ipagkakaloob sa sinumang susunod sa akin)