عن أبي ذر جندب بن جنادة رضي الله عنه قال: اجتمعت غنيمة عند رسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: «يا أبا ذر اُبْدُ فيها» فبَدَوْتُ إلى الرَّبذَة فكانت تُصيبني الجنابة فأمكث الخَمْسَ والسِّتَّ، فأتيتُ النبي صلى الله عليه وسلم فقال: «أبو ذر» فَسَكَتُّ فقال: «ثَكِلَتْكَ أمك أبا ذر لأمِّكَ الوَيْلُ» فدعا لي بجارية سوداء فجاءت بِعُسٍّ فيه ماء فستَرتْنِي بثَوب واستَتَرْتُ بالرَّاحلة، واغتسلتُ فكأني أَلقَيْتُ عني جَبَلًا فقال «الصعيدُ الطيِّبُ وُضُوءُ المسلم ولو إلى عشر سنين، فإذا وجدتَ الماء فأَمِسَّهُ جِلدَكَ فإن ذلك خَيرٌ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abu Dharr Jundub bin Janadah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu-:Naipon ang mga nadambong sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,nagsabi siya: (( O Aba Dharr,lumabas ka sa disyerto)) Lumabas ako ng disyreto sa Arrabadha,at ako ay naging junub,kaya nanatili ako ng lima at anim [na araw].Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: (( Abu Dharr)) .Nanahimik ako,Nagsabi siya: ((Mauulila sa ang iyon ina o Abu Dharr,Ang kapahamakan ay mapasa iyong ina)) Tinawag niya sa akin ang isang maitim na babaing katulong,dumating siya na may dalang malaking tabo na may tubig,linagyan niya ako ng dingding mula sa damit,at nagtago ako sa likod ng kamelyo,at naligo ako at para bang itinapon ako sa bundok,Nagsabi siya:((Ang malinis na buhangin ay siyang isinasagawang wudhu ng muslim kahit hanggang sampung taon,kapag nakatagpo ka ng tubig,ihaplos mo ito sa iyong balat,sapagkat ito ay higit na mabuti))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinapaalam ng Hadith na ito ang isang katuruan mula sa katuruan ng pagiging magaan ng Panuntunan ng Islam,ito ay pagpapatnubay sa pagdadalisay ng Tayammum [paggamit ng buhangin] kapag walang natagpuang tubig.(Ang malinis na buhangin):Ibig sabihin ay ang alikabok ng lupa na malinis,at ang mga tulad nito na nasa ibabaw ng lupa mula sa mga uri nito.At pinangalanan ito rito,dahil ang mga anak ni Adan ay inaapakan ito at naglalakad sa ibabaw nito.(Ay siyang isinasagawang wudhu ng muslim) At sa salitang ito;ay ihinahalintulad ang malinis na buhangin sa tubig sa pagdadalisay.Binanggit ng Shari`ah ang Tayammum, na ito ay pagsasagawa ng wudhu dahil ito ang tumatayo bilang kapalit niya.At ang pagpapagaan na ito bilang kapalit ay itinutuloy hanggat mayroong nakikitang mabigat na kadahilanan.Dahil dito,sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:(Kahit hindi siya makatagpo ng tubig sa loob ng sampung taon) o dalawampu,o tatlumpo o mahigit pa rito,Dahil ang ipinapahiwatig rito ay pagpaparami at hindi ang paglimitado.at kahit na makatagpo siya [ng tubig] subalit mayroong hadlang sa panlabas na karamdaman o Panuntunan ng Islam,.Ito ay nangangahulugan na ang pagsasagawa ng Tayammum ay tumatayo bilang kapalit ng pagsasagawa ng wudhu,kahit na ang pagdadalisay sa pamamagitan nito ay mahina,subalit ito ay pagdadalisay na kinakailangan upang maisaganap ang pagdarasal bago mawala ang [takdang] oras nito.At sa kabila nito, ang pagpapagaan na ito sa [pagsasagawa ng ]Tayammum,ay napuputol [o hindi ipinapahintulot] sa oras na may natagpuang tubig at may kakayahan sa paggamit nito;Dahil dito,ipinapatnubay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abu Dharr,ang pangangailangan sa pagbalik ng pangunahing [panuntunanan] sa pagdadalisay-ito ang paggamit ng tubig- Nagsabi siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:(Kapag nakatagpo ka ng tubig,ibuhos mo ito sa iyong balat) Ibig sabihin ay: idampi mo ito rito at ibuhos mo ito rito sa pagdadalisay mula sa pagsasagawa ng wudhu o pagligo.At sa naisalaysay ni Imam Attermidhiy: " At kapag natagpuan ang tubig,ihaplos mo ito sa iyong balat,sapagkat ito ay higit na mabuti" Nangangahulugan na ang Tayammum ay nawawalan ng bisa,kapag natagpuan ang tubig at kung ito ay may kakayahan sa paggamit nito;Dahil ang kakayahan [sa paggamit ng tubig] ay siyang nais ipahiwatig sa pagkakaroon nito.