عن علي بن أبي طالب رضي الله عنه مرفوعاً: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : "أُعطِيتُ ما لم يُعطَ أحدٌ من الأنبياءِ". فقلنا: يارسول الله، ما هو؟ قال: "نُصِرتُ بالرُّعبِ، وأُعطِيتُ مَفَاتِيحَ الأرضِ، وسُمِّيتُ أحمدَ، وجُعِلَ التُّرابُ لي طَهُوراً، وجُعِلَتْ أمَّتي خيرَ الأممِ".
[صحيح] - [رواه أحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Ali bin Abe Talib- malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu; Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Ipinagkaloob sa akin ang mga bagay na hindi ipinagkaloob sa kahit sinuman sa mga Propeta" Sinabi namin; O Sugo ni Allah,ano ang mga ito?: Nagsabi siya:Ipinagtagumpay ako dahil sa sindak,at ipinagkaloob sa akin ang mga susi sa kalupaan,at pinangalanan akong si Ahmad,at ginawa ang lupa para sa akin na ito ay dalisay,at ginawa ang nasyon ko na pinakamainam sa mga nasyon"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Sa sinabi niya: ":Ipinagtagumpay ako dahil sa takot" Sa hayag nito,ang bawat isa sa mga nabanggit ay hindi nangyari sa kahit isa sa mga nauna sa kanya,sa sinabi niya: "Ipinagtagumpay dahil sa sindak"Ibig sabihin: dahil sa takot ng kalaban sa kanya,at ito ay pagputol sa mga puso ng kalaban niya,pinuksa ang mga tinik nila,at pinaghiwa-hiwalay ang mga hukbo nila,Sa sinabi niya: "at ipinagkaloob sa akin ang mga susi" maramihan ng isang susi,ito ay pangalan ng isang gamit ipinambubukas gamit ito,at ito rin sa orihinal nito, ay ang lahat ng bagay na nagkakamit dahil rito sa paglabas ng mga nakasara,na hindi nakakayanan ang pagkamit nito dahil rito, Sa sinabi niya: " mga imbakan sa kalupaan" salitang hiram sa pangako ni Allah sa kanya sa pagtagumpay sa mga bansa.ito ay pangmaramihan ng [salitang] isang imbakan,[ito ay ang] anumang bagay na iniimbak sa loob nito ang mga kayamanan,naimbak sa mga nanahanan ng bansa bago ito masakop,Sa sinabi niya: " at pinangalanan akong si Ahmad" ibig sabihin ay:hindi ito ipinangalan sa kahit isa sa mga nauna sa kanya bilang pangangalag mula kay Allah,upang hindi makapasok ang pagkalito sa mga mahihina [ang pananampalataya ] sa puso,o mag-alinlangan,na siya ay ihinawig sa [pangalang] Ahmad sa mga naunang Aklat,Sa sinabi niya:" at ginawa ang lupa para sa akin na ito ay dalisay" Ibig sabihin ay:ginagamit sa pagdadalisay kapag walang magamit na tubig