+ -

عن عمار بن ياسر رضي الله عنهما قال: «بَعَثَنِي النبي صلى الله عليه وسلم في حَاجَة، فَأَجْنَبْتُ، فَلَم أَجِد المَاءِ، فَتَمَرَّغْتُ فِي الصَّعِيدِ، كَمَا تَمَرَّغ الدَّابَّةُ، ثم أَتَيتُ النبي صلى الله عليه وسلم فَذَكَرتُ ذلك له، فقال: إِنَّمَا يَكْفِيك أن تَقُولَ بِيَدَيكَ هَكَذَا: ثُمَّ ضَرَب بِيَدَيهِ الأَرْضَ ضَرْبَةً وَاحِدَةً، ثُمَّ مَسَحَ الشِّمَالَ عَلَى اليَمِينِ، وظَاهِرَ كَفَّيهِ وَوَجهَهُ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Ammar bin Yaser, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Ipinadala ako ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa ilang pangangailangan,Naging junub ako,wala akong matagpuang tubig.Humiga ako sa buhangin tulad ng paghiga ng hayop,Pagkatapos ay dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit ko ito sa kanya,Nagsabi siya:Katotohanang sapat na sa iyo na idampi mo sa kamay mo ng ganito: pagkatapos ay idinampi niya ang dalawang kamay niya sa lupa ng isang beses,at pagkatapos ay pinunasan ng kaliwa ang kanan,at ang sa ibabaw ng palad niya at ang mukha niya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinadala ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si `Ammar bin Yaser-malugod si Allah sa kanya-sa isang paglalakbay dahil ilang pangangailangan,Siya ay naging junub [sekswal na karumihan],wala siyang makitang tubig upang gawin niyang pampaligo,at hindi niya alam ang panuntunan ng Tayammum para sa mga junub.Ang alam lamang niya ay ang panuntunan nito para sa maliit na Hadath,Nagsumikap siya at inakala niya na tulad ng pagpahid gamit ang buhangin sa ilang bahagi ng [katawan] sa pagsasagawa ng wudhu,kapag ito ay maliit na Hadath,kaya nararapat na ang pagsasagawa ng tayammum mula sa pagiging junub,ay [ang pagpahid nito] sa pangkalahatang katawan,bilang paghahambing sa paggamit ng tubig.Kaya humiga siya sa buhangin hanggang sa mapahiran ang buo nitong katawan [ng buhangin] at siya ay nagdasal,at nang dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa sarili niya ginawa ang bagay na ito-dahil ito ay mula sa kanyang sariling pagsusumikap-binanggit niya ito sa kanya,upang malaman niya kung siya ba ay tama o mali? Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sapat na sa iyo mula sa pagpahid mo sa iyong buong katawan ng lupa, ang pagdampi sa dalawang kamay mo sa lupa,ng isang beses lamang,pagkatapos ay punasan ng iyong kaliwa ang iyong kanan,at ang sa ibabaw ng palad mo at ang mukha mo,tulad ng pagsasagawa ng tayammum para sa wudhu

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin