عن أنس رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «أكْثَرْتُ عليكم في السِّوَاك».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Dinalasan ko ang paghimok sa inyo sa paggamit ng siwāk."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ang kahulugan ng hadith: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay madalas humimok sa kalipunan niya sa kahalagahan ng paggamit ng siwāk at ng pananatili sa paggamit nito sa lahat ng mga kalagayan bilang kaibig-ibig na gawain hindi pagsasatungkulin. Iyon ay dahil sa taglay nito na mga malaking pakinabang at mga kabutihan. Kabilang sa pinakakapitagan-pitagan sa mga ito at pinakadakila sa mga ito ay na ito ay kalugud-lugod sa Panginoon, nakapakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya.