+ -

عَنْ أَنَسٍ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
مِنَ السُّنَّةِ إِذَا قَالَ الْمُؤَذِّنُ فِي أَذَانِ الْفَجْرِ حَيَّ عَلَى الْفَلَاحِ، قَالَ: الصَّلَاةُ خَيْرٌ مِنَ النَّوْمِ.

[صحيح] - [رواه ابن خزيمة والدارقطني والبيهقي] - [صحيح ابن خزيمة: 386]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Bahagi ng Sunnah na kapag nagsabi ang mu'adhdhin sa adhān ng madaling-araw ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Halina sa tagumpay)" ay magsasabi siya ng: "Aṣṣālatu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog)."}

[Tumpak] - [رواه ابن خزيمة والدارقطني والبيهقي] - [صحيح ابن خزيمة - 386]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na kabilang sa kinilala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Sunnah niya na magsabi ang mu'adhdhin, lalo na, sa adhān ng madaling-araw ng: "Aṣṣālatu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog) matapos ng pagsabi nito ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Humayo sa tagumpay)."

من فوائد الحديث

  1. Ang sabi niyang: "Bahagi ng Sunnah" ay nangangahulugang ang Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ito ay may kahatulan ng raf` (pag-angat) na nangangahulugang ang pag-ugnay sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  2. Ang pagsasakaibig-ibig na magsabi ang mu'adhdhin sa adhān ng madaling-araw matapos ng: "Ḥayya `ala -lfalāḥ (Halina sa tagumpay)" ng: "Aṣṣālatu khayrum mina -nnawm (Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa sa pagtulog)" nang dalawang ulit dahil ang pagdarasal sa madaling-araw ay nasa oras na natutulog dito ang pangkalahatan sa mga tao at babangon sila papunta sa pagdarasal mula sa pagkatulog. Kaya naman natangi ang pagdarasal sa madaling-araw dahil doon bukod sa iba sa mga pagdarasal.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan