+ -

عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ مُغَفَّلٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صلى الله عليه وسلم:
«بَيْنَ كُلِّ أَذَانَيْنِ صَلَاةٌ، بَيْنَ كُلِّ أَذَانَيْنِ صَلَاةٌ» ثُمَّ قَالَ فِي الثَّالِثَةِ: «لِمَنْ شَاءَ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 627]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Mughaffal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh. Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh." Pagkatapos nagsabi siya sa ikalawang pagkakataon: "Para sa sinumang nagnais."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 627]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa pagitan ng bawat adhān at iqāmah ay may ṣalāh na pangkusang-loob. Umulit siya niyon nang makatatlo. Nagpabatid siya sa ikatlong pagkakataon na iyon ay isinakaibig-ibig para sa sinumang nagnais na magdasal.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Sinhala Vietnamese Hausa Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng ṣalāh sa pagitan ng adhān at iqāmah.
  2. Ang patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-uulit ng sinabi. Iyon ay bilang pagpaparinig at bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng sinasabi.
  3. Ang tinutukoy ng dalawang adhān ay ang adhān at ang iqāmah. Itinaguri sa dalawang ito ang dalawang adhān bilang pagpapanaig gaya ng pagtawag na dalawang buwan ang araw at ang buwan at ng pagtawag na dalawang `Umar sina Abū Bakr at `Umar.
  4. Ang adhān ay ang pagpapahayag ng pagpasok ng oras at ang iqāmah ay ang pagpapahayag ng pagdating ng pagsasagawa ng ṣalāh.