عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَنَمَةَ، قَالَ:
رَأَيْتُ عَمَّارَ بْنَ يَاسِرٍ دَخَلَ المَسْجِدَ فَصَلَّى، فَأَخَفَّ الصَّلَاةَ، قَالَ: فَلَمَّا خَرَجَ، قُمْتُ إِلَيْهِ، فَقُلْتُ: يَا أَبَا اليَقْظَانِ، لَقَدْ خَفَّفْتَ، قَالَ: فَهَلْ رَأَيْتَنِي انْتَقَصْتُ مِنْ حُدُودِهَا شَيْئًا؟! قُلْتُ: لَا، قَالَ: فَإِنِّي بَادَرْتُ بِهَا سَهْوَةَ الشَّيْطَانِ، سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَقُولُ: « إِنَّ الْعَبْدَ لَيُصَلِّي الصَّلَاةَ، مَا يُكْتَبُ لَهُ مِنْهَا إِلَّا عُشْرُهَا، تُسْعُهَا، ثُمُنُهَا، سُبُعُهَا، سُدُسُهَا، خُمُسُهَا، رُبُعُهَا، ثُلُثُهَا نِصْفُهَا».
[حسن] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 18894]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Anamah na nagsabi:
{Nakakita ako kay `Ammār bin Yāsir na pumasok sa masjid saka nagdasal saka nagpagaan ng pagdarasal. Noong nakalabas siya, tumayo ako papunta sa kanya saka nagsabi ako: "O Abu Al-Yaqḍ̆ān, talaga ngang nagpagaan ka [ng pagdarasal]." Nagsabi siya: "Nakakita ka kaya sa akin na nagkulang ako mula sa mga hangganan nito ng anuman?" Nagsabi ako: "Hindi." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagdali-dali nito dahil sa pagpapalingat ng demonyo. Nakarinig ako sa Sugo ni Allah (s) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula rito [bilang gantimpala] kundi ng ikapu nito, ikasiyam nito, ikawalo nito, ikapito nito, ikaanim nito, ikalima nito, ikaapa tnito, ikatlo nito, kalahati nito."}
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 18894]
Pumasok si `Ammār bin Yāsir (malugod si Allah sa kanilang dalawa) sa masjid saka nagdasal siya ng isang kinukuang-loob, na isang magaang salah. Noong nakalabas siya mula sa masjid, sinundan siya ni `Abdullāh bin `Anamah at nagsabi ito sa kanya: "O Abu Al-Yaqḍ̆ān, talaga ngang nakakita ako sa iyo na nagpagaan ka ng pagdarasal mo." Nagsabi si `Ammār: "Nakakita ka kaya sa akin na nagkulang ako mula sa mga haligi nito o mga kinakailangan dito o mga kundisyon nito ng anuman?" Nagsabi ito: "Hindi." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpagaan nito bago makaabala sa akin ang demonyo. Nakarinig ako sa Propeta (s) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula sa pabuya nito kundi ng ikapu nito, o ikasiyam nito, o ikawalo nito, o ikapito nito, o ikaanim nito, o ikalima nito, o ikaapa tnito, o ikatlo nito, o kalahati nito."