عن أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيَّ رَضِيَ اللهُ عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهُ صلَّى اللهُ عليهِ وَسَلَّم:
«لَقِّنُوا مَوْتَاكُمْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 916]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Magpabigkas kayo sa mga mamamatay sa inyo ng Lá iláha illa lláh (Walang Diyos kundi si Allāh)."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [Ṣaḥīḥ Muslim - 916]
Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi tayo at mag-ulit-ulit tayo ng Pangungusap ng Tawḥīd na "Lá iláha illa lláh (Walang Diyos kundi si Allāh)" sa tabi ng mga dinaluhan ng mga panimula ng kamatayan nang sa gayon makapagsabi sila nito upang ito ay maging kahuli-hulihan sa pananalita nila.