عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: مرَّ النَّبي - صلى الله عليه وسلم - بامرَأَة تَبكِي عِند قَبرٍ، فقال: «اتَّقِي الله واصْبِري» فقالت: إليك عَنِّي؛ فَإِنَّك لم تُصَب بِمُصِيبَتِي ولم تَعرِفه، فقِيل لها: إِنَّه النَّبِي - صلى الله عليه وسلم - فأتت باب النبي - صلى الله عليه وسلم - فلم تجد عنده بوَّابِين، فقالت: لم أَعرِفكَ، فقال: «إِنَّما الصَّبرُ عِند الصَّدمَةِ الأُولَى».
وفي رواية: «تَبكِي على صبِّي لها».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Siya ay nagsabi:Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babaing umiiyak sa libingan.Nagsabi siya:((Katakutan mo si Allah at magtimpi ka)),Nagsabi siya: Lumayo ka sa akin;sapagkat hindi dumating sa iyo ang [pagsubok], na dumating sa akin.at hindi mo siya kilala;Sinabi sa kanya:Siya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating siya sa pintuan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at wala siyang nakita dito na nagbabantay,Nagsabi siya:Hindi kita nakilala,Nagsabi siya:(( Tunay na ang pagtitimpi ay sa unang pagsubok)) At sa ibang salaysay:((Umiiyak siya dahil sa anak niya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Dumaan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang babaing nasa libingan ng anak niyang namatay,at tunay na mahal na mahal niya ito,Kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na pumunta sa libingan niya upang umiyak sa kanya,At nang makita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ipinag-utos niya sa kanya ang pagkatakot kay Allah at ang Pagtitimpi.Nagsabi siya: Lumayo ka sa akin,sapagkat hindi dumating sa iyo ang tulad ng pagsubok [na dumating sa akin],Pagkatapos ay sinabi sa kanya:Tunay na siya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsisi siya,at dumating siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pintuan niya,at wala sa pintuan ang nagbabantay, na siyang humahadlang sa mga tao sa pagpasok sa kanya,Sinabi niya ito sa kanya at Nagsabi siya: Tunay na hindi kita nakilala,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang Pagtitimpi na ginagantimpalaan sa Tao ay ang pagtitimpi sa unang pagdating sa kanya ng pagsubok.