+ -

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يُعلمنا الاسْتِخَارَةَ في الأمور كلها كالسورة من القرآن، يقول: «إذا هَمَّ أحدُكم بالأمر، فلْيَرْكَعْ ركعتين من غير الفَرِيضَةِ، ثم لْيَقُلْ: اللهم إني أَسْتَخِيرُكَ بِعِلْمِكَ، وأَسْتَقْدِرُكَ بِقُدْرَتِكَ، وأَسْأَلُكَ من فَضلك العظيم، فإنك تَقْدِرُ ولا أَقْدِرُ، وتعلمُ ولا أعلمُ، وأنت عَلَّامُ الغُيُوبِ. اللهم إن كنتَ تعلم أن هذا الأمر خيرٌ لي في ديني ومَعَاشِي وعَاقِبَةِ أَمْرِي» أو قال: «عَاجِلِ أَمْرِي وآجِلِهِ، فاقْدُرْهُ لي ويَسِّرْهُ لي، ثم بَارِكْ لي فيه. وإن كنت تعلمُ أن هذا الأمر شرٌّ لي في ديني ومَعَاشِي وعَاقِبَةِ أَمْرِي» أو قال: «عَاجِلِ أَمْرِي وآجِلِهِ؛ فاصْرِفْهُ عَنِّي، واصْرِفْنِي عنه، واقْدُرْ لِيَ الخيرَ حيث كان، ثم أَرْضِنِي به» قال: «ويُسَمِّي حَاجَتَهُ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Jaber bin Abdullah malugod si Allah s kanilang dalawa ay nagsabi:Ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagtuturo sa amin noon ng istikhārah sa lahat ng gawain gaya ng pagtuturo niya sa amin ng sūrah ng Qur’an.Sinasabi niya: Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay ay magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi isinatungkuling [ṣalāh].Pagkatapos ay sabihin niya:O Allah, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo.Humihiling ako sa Iyo ng kakayahan sa pamamagitan ng kakayahan Mo.Humihingi ako mula sa sukdulang kabutihang-loob Mo,sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya at hindi ako nakakakaya, at nakaaalam Ka at hindi ako nakaaalam at Ikaw ay ang pinakanakaaalam sa mga nakalingid.O Allah,kung nalalaman Mo na ang bagay na ito [banggitin dito ang kailangan] ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko,pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ay itakda Mo na mangyari ito sa akin at pagaanin Mo ito para sa akin, pagkatapos ay biyayaan Mo ako rito. Kung nalalaman Mo na ang bagay na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko,pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ilayo Mo ito sa akin at ilayo Mo ako rito, at itakda Mo na mangyari sa akin ang mabuti saanman ito, pagkatapos ay palugudin Mo ako dito. Hindi magsisi ang sinumang humingi ng patnubay sa Tagapalikha, sumangguni sa mga nilikhang mananampalataya, at nagpakatatag sa pasya niya sapagkat nagsabi Siya, Napakamaluwalhati Niya: at sanguniin mo sila sa usapin. Kaya kapag nagpasya ka ay manalig ka kay Allah.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay masigasig na nagtuturo sa kanyang mga kasamahan sa pamamaraan ng pagdarasal ng Istikhara,tulad ng pagka-masigasig niya sa pagtuturo sa amin ng Qur-an.Itinuro ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magdasal ng dalawang rak`ah na hindi isinatungkuling (salah) pagkatapos niyang magsalam ay humiling siya sa Allah na liwanagan ang kanyang dibdib sa pagpili ng dalawang bagay o mga bagay,Sapagkat si Allah ay higit na Nakaka-alam sa pamamaraan ng mga bagay at mga bahagi nito,sapagkat walang higit na nakaka-alam ng pagpili sa dalawang bagay,maliban sa higit na mas nakaka-alam at wala ng iba doon maliban kay Allah,At humiling siya sa Allah ng kakayahan sa pagpili ng dalawang bagay,at humiling siya sa kanyang sukdulang kabutihang-loob Niya Sapagkat siya ay may kakayahan sa lahat na maging posible at ito ay nakasalalay sa kanya ayon sa kagustuhan niya,at ang tao ay walang kakayahan.At si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay Nakaka-alam sa lahat ng bagay kabuuan at bahagi nito,at ang nilalang ay walang kaalaman sa mga bagay na ito maliban sa itinuro sa Kanya ni Allah;Dahil si Allah ay walang lumihis sa kaalaman Niya sa mga bagay na hindi nakikita.Pagkatapos ay humiling siya sa panginoon niya -kamahal-mahal Siya at kapita-pitagan-Kapag alam Niya ang bagay na gusto nito(bigkasin ito)ay mainam sa kanya at hindi ito magdudulot ng pagkulang sa relihiyon,at hindi sa pamumuhay, itakda niya ito at maging madali ito sa kanya. Kapag alam Niya na ang bagay na ito ay magdudulot ng pagkulang sa relihiyon,at sa pamumuhay,ilayo niya ito sa akin at ilayo Mo ako sa bagay na ito,at itakda sa kanya ang mabuti saan man ito, pagkatapos ay palugudin Mo ako sa dito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Swahili Asami الأمهرية الهولندية
Paglalahad ng mga salin