عَنْ صُهَيْبٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«عَجَبًا لِأَمْرِ الْمُؤْمِنِ، إِنَّ أَمْرَهُ كُلَّهُ خَيْرٌ، وَلَيْسَ ذَاكَ لِأَحَدٍ إِلَّا لِلْمُؤْمِنِ، إِنْ أَصَابَتْهُ سَرَّاءُ شَكَرَ، فَكَانَ خَيْرًا لَهُ، وَإِنْ أَصَابَتْهُ ضَرَّاءُ صَبَرَ، فَكَانَ خَيْرًا لَهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2999]
المزيــد ...
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2999]
Humahanga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pumapatungkol sa mananampalataya at mga kalagayan nito bilang pagsang-ayon. Iyon ay dahil ang mga kalagayan niya sa kabuuan ng mga ito ay mabuti at hindi ukol iyon sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kay Allāh dahil dito kaya natatamo para sa kanya ang gantimpala dahil sa pasasalamat. Kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya at umaasa kay Allāh ng gantimpala saka natatamo para sa kanya ang gantimpala dahil sa pagtitiis, kaya naman siya ay nasa isang gantimpala sa bawat kalagayan.