عَنْ أَنَسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ:
أَنَّ نَبِيَّ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَتَبَ إِلَى كِسْرَى، وَإِلَى قَيْصَرَ، وَإِلَى النَّجَاشِيِّ، وَإِلَى كُلِّ جَبَّارٍ يَدْعُوهُمْ إِلَى اللهِ تَعَالَى، وَلَيْسَ بِالنَّجَاشِيِّ الَّذِي صَلَّى عَلَيْهِ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1774]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat kay Khosrow, kay Kaysar, at sa Negus, at sa bawat maniniil, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh (napakataas Siya) – at hindi sa Negus na dinasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1774]
Nagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat bago ng kamatayan niya sa nasa paligid niya na mga hari ng mga bansa, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa Islām. Sumulat siya kay Khosrow, na taguri sa bawat sinumang naghari sa Persiya; kay Kaysar, na taguri sa bawat sinumang naghari sa Bizancio; at sa Negus, na taguri ng mga hari ng Etyopya. Sumulat din siya sa bawat haring maniniil na tagapamahala sa mga tao, at tagasiil sa kanila. Naglinaw si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na ang Negus na sinulatan ay hindi ang Negus na umanib sa Islām, pinapanaw, at nagdasal para rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ṣalāh para sa patay na wala sa piling.