+ -

عن عائشة رضي الله عنها قالت: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «مَنْ أحَبَّ لِقَاءَ اللهِ أَحَبَّ اللهُ لِقَاءهُ، وَمَنْ كَرِهَ لِقَاءَ اللهِ كَرِهَ اللهُ لِقَاءهُ» فقلتُ: يا رسولَ اللهِ، أكَراهِيَةُ المَوتِ، فَكُلُّنَا نَكْرَهُ المَوتَ؟ قال: «لَيْسَ كَذَلِكَ، ولكِنَّ المُؤْمِنَ إذَا بُشِّرَ بِرَحْمَةِ اللهِ وَرِضْوَانِهِ وَجَنَّتِهِ أَحَبَّ لِقَاءَ اللهِ فَأَحَبَّ اللهُ لِقَاءهُ، وإنَّ الكَافِرَ إذَا بُشِّرَ بِعَذابِ اللهِ وَسَخَطهِ كَرِهَ لِقَاءَ اللهِ وكَرِهَ اللهُ لِقَاءهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم، ورواه البخاري عن عائشة -رضي الله عنها- في ضمنه حديث عن عبادة بن الصامت-رضي الله عنه-. رواه عن أبي موسى -رضي الله عنه- مختصرا]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?' Nagsabi siya: 'Hindi ganoon, bagkus ang mananampalataya, kapag binalitaan ng awa ni Allah, pagkalugod Niya, at Paraiso Niya, ay iibigin ang pakikipagtagpo kay Allah kaya iibigin din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng pagpaparusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikipagtagpo kay Allah at kasusuklaman din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya.'"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya." Kaya nagsabi si `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?" Nagsabi siya: "Hindi ganoon." Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang tao, kapag inibig nito ang pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Iyon ay dahil sa ang mananampalataya ay sumasampalataya sa inihanda ni Allah para sa mga mananampalataya sa Paraiso na masaganang gantimpala at kaloob na panlahat na malawak. Iibigin niya iyon at liliit sa paningin niya ang Mundo at hindi niya pahahalagahan ito dahil siya ay lilipat sa higit na maganda kaysa rito. Sa sandaling iyon, iibigin niya ang pakikipagtagpo kay Allah lalo na sa sandali ng kamatayan kapag binalitaan siya ng pagkalugod at awa. Iibigin niya ang pakikipagtagpo kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at pananabikan ito kaya naman iibigin ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Ang tumatangging sumampalataya naman, magpakupkop kay Allah, tunay na siya, kapag binalitaan ng parusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikitagpo kay Allah, kaya naman kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Dahil dito, nasaad sa isang hadith na ang kaluluwa ng tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng galit at ngitngit ni Allah, ay nagkakahiwa-hiwalay sa katawan nito at tumatangging lumabas.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan