عن عمر رضي الله عنه قال: قَسَمَ رسول الله صلى الله عليه وسلم قَسْمًا، فقلت: يا رسول الله لَغَيْرُ هؤلاء كانوا أحق به منهم؟ فقال: «إنهم خَيَّرُونِي أن يسألوني بالْفُحْشِ، أو يُبَخِّلُونِي ولست بِبَاخِلٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Namahagi ang Sugo ni Allah ng isang bahagi kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allah, talagang ang iba sa mga ito ay higit na karapat-dapat dito kaysa sa kanila? Nagsabi siya: Tunay na sila ay nagpapili sa akin: na humingi sila sa akin nang labis-labis o ituring nila akong maramot gayong ako ay hindi nagmamaramot."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Namahagi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng dumating sa kanya na yaman sa mga tao at may nilampasan siyang mga iba kaya nagsabi sa kanya si `Umar, malugod si Allah sa kanya: "Hindi mo binigyan itong mga hindi mo binigyan dahil sila ay higit na karapat-dapat kaysa sa mga binigyan? Nagsabi sa kanya ang Propeta: "Tunay na sila ay nagpumilit sa paghingi dahil sa hina ng pananampalataya nila at pinilit nila ako bunsod ng kalagayan nila sa paghingi nang labis-labis o pinaratangan nila ako ng karamutan." Pinili ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na magbigay yamang ang karamutan ay hindi bahagi ng ugali niya gayon din pagpapabola at pagpapaamo.